Бесплатно

Pag Susulatan nang Dalauang Binibini na si Urbana at ni Feliza

Текст
0
Отзывы
iOSAndroidWindows Phone
Куда отправить ссылку на приложение?
Не закрывайте это окно, пока не введёте код в мобильном устройстве
ПовторитьСсылка отправлена
Отметить прочитанной
Шрифт:Меньше АаБольше Аа

ANG PAGDALAO

Si Urbana cay Feliza.—MANILA …

FELIZA: Isa sa m~ga gauang tapat na ipinaguutos nang paquiquipagcapoua tauo, ay ang pagdalao sa camaganac, caibigan ó caquilala cun capanahonan, cun dinadalao nang masamang capalaran ó namamatayán cayá, ay carampatang dalauin at maquiramay sa catouaan, ó aliuin caya sa hirap. Ituro mo Feliza cay Honesto, cun papaano at cailan gagauin ang pagdalao.

Ang unauna,i, gauin sa capanahonan, at pag di natama sa oras ay naiinip ang dinadalao, at magdadalang hiyá ang dumadalao. Sa oras na may guinagaua, lalo,t, cun nagagahól sa panahon cun cumain, humahapon ó nagdarasál ay di na uucol gauin, maliban na lamang cun magcadatihan ang nagdadalauan. Caya dapat ipagtanong ang caugalian (nang bayan at sa lahat nang caquilala) at nang houag madalao sa panahong di ucol. Cun nacasara ang pintóan nang daan, ay tugtuguing banayad at houag dalás-dalas.

Cun pumapanhic sa hagdanan, ay patatao, at cun may casamang tauo na ucol igalang ay ilálagay sa maguinhauang panhican.

Cun may casamang matanda, at di macacaya, ay tulun~gang pumanhic, at alalahanin ang panahong haharapin.

Cun may casamang mahal na babae, ay ilagay sa canan ó sa lugar cayang ucol sa caniyang calagayan.

Cun pumapanhic na sa hagdanan, ay magdarahan nang pagtungtong sa baitang at houag magin~gay at cun may masalubong na matanda ó guinoó ay tumiguil at paraanin sa canan ó sa mabuting daanan.

Pagcapanhic nang hagdanan, ay houag caracaraca,i, tutuloy, magpasabi sa alila cun mayroon, at cun uala ay tumugtóg nang marahan sa pinto at nang mamalayang may táuo.

Cun datnang bucás ang pintoan nang salas ó cabahayan, silid ó iba cayang pitac nang bahay ay houag sisilip-silip; at sala sa cabaitan.

Cun macapagbigay na nang galang sa may bahay, icao ay patoloyin sa cabahayán at paupoin ca, ay lumagay nang mahusay, houag magpaquita nang cagaslauán, na para baga nang man~guyacoy, magpatong nang paa at magpaquiling-quiling.

Cun may dalang sombrero at tungcód, ay houag ilalagay sa lamesa, canafé, cun di sa inaacala na mamatapatin nang may bahay: lalong ibinabaual, na ilagay sa hihigan. Cun ang dinadalao ay maquita na may gagauin, cacain ó aalis caya, ay houag aabalahin, at ang catampata,i, magpaalam.

Cun sa iyo at ni Honesto ay may dumalao sa oras na di ninyo ibig, ó cayo caya,i, naaabala ay houag magpahalata na ibig na ninyong umalis ang panaohin at cun magpahalata man ay binian.

Cun ang dumadalao ay mahal na tauo, ay samahan hangang sa daan, at sacali,t, gabi ay tanglanan nang candilang may nin~gas cun mayroon.

Cun cayo ay dumadalao, at sa pagalis ay sasamahan cayo nang may bahay, ay magpasalamat at ipamanhic na houag nang maabala.

Cun sa inyong pagpupulong ay may dumating na ibang tauo na di caratihan, sa caratihan man sacali at inaacala ninyo na may ipahahayag na lihim, ay houag abalahin, magpaalam sa, may bahay at sa lahat.

Cun lalaqui ang dumadalao sa isang babaye, ay di catungculan ihatid pa sa hagdanan ó sa daan, maliban na lamang cun totoong mahal na tauo; n~guni, ang lalaqui ay dapat maghatid sa babaye at catamtamang ilagay sa canan.

Cun cayo,i, dalauin ay dapat gumanti, at cun cayo,i, anyayahan sa isang piguing nang iquinasal ó ano mang pagcacatoua, ay nauucol na sa loob na ualong arao ay gantihin namang dalauin na parang pagpapasalamat sa caniyang paquitang loob.

Cun cayo,i, anyayahan sa bahay nang binyag ó libing at di nacapag ibigay loob, cun macaraan na, ay carampatang dalauin at ipahayag ang cadahilanan. Cun cayo naman ang pa sa libing ó sa bahay caya nang namatayán, sila naman ang may catungculan na gumanting dumalao.

Ang anyaya,i, magagaua sa bibig ó sa sulat at ang inanyayahan, cun ibig pahinuhod ay houag magpairiiri at sa ibig sa ayao ay pasasalamatan ang gayong paquitang loob. Cun sacali,t, aayao ay tumangi nang mahusay, at ang dahilanin ay ang man~ga gauain at iba pang bagay na paniualaan; n~guni caiilag sa cabulaanan.

Pag napaoó, ay houag sumala sa oras na taning; at cun di macatupad nang pan~gaco, ay sabihin ang pinagcadahilanan, at di carampatang sumira nang pan~gun~gusap, maliban na lámang cun may tunay na pinagcaabalahan. Alamin ang oras nang houag dumating na maaga, at houag namang mahuli.

Feliza, si Honesto palibhasa,i, bata, hindi malayo na sa paquiquipagcapoua tauo, ay magpaquita nang capusucán nang loob; cun macarinig nang uicang di dapat, cun magcabihira,i, di macapagpaparaan, caya pan~gun~gusapan mo na iilagan ang paquiquipagtalo.

Cun macarinig nang di catouiran at di mapan~garalan ang nan~gusap, ay paraanin; cun ang marinig ay lihis sa catotohanan, ay houag sagasain, nang di pagtalunan.

Si Honesto,i, na sa panahon pa nang pagaaral nang ucol sa Dios, ganang sarilí at sa paquiquipagcapoua, tauo, caya turoan mong tumupad, nitong tatlong catungculan, na catampatang pagaralan nang isang batang cristiano.

Cun matutong cumilala, sumambá,t, mamintuho sa Dios, ay di lalaquing bulàg ang isip, matututong umilag sa casalanan mamimihasang gumaua nang cabanalan, matiticman ang cáguinhauahan at magandang capalarang quinacamtan dito sa ibabao nang lupa nang isang catoto nang Dios, na sampong sa hirap at casaquitan ay nacaquiquita nang toua,t, caligayagahán; inaaring cruz na magaang pásanin, minamatamis sa loob, tinatangap nang boong pagibig, at palibhasa,i, natatanto na di macasusunod cay Jesucristo, di magcacamit nang lan~git, cun di magpasán nang cruz.

Natatanto rin naman na nag cacadalaua ang hirap nang di marunong umayon sa calooban nang Dios; hirap na ang dumarating, ay naghihirap pang lalo sa di pagcatutong magtiis, sapagca,t, iquinagagalit, at cun minsa,i, ipinagn~gan~galit na,i, di rin maalis sa hirap. At hangang ipinagn~gan~gálit ay lalong nalubóg sa hirap, n~guni ang marunong magtiis, ay magtiis, nacararanas nang toua sa hirap, sapagca,t, inaaring cruz na bigay nang Dios, at minamatamis sa loob.

Cun si Honesto,i, matuto nang catungculang ucol sa caniyang sarili, cahit ualang tauong sucat sacsing cahihiyan, cahit ualang sacsing sucat macaquita na sa caniya,i, sumisi, ay di pahihinuhod ang loob sa isang licong isip, di mapapanibulos sa isang gaua cayang lihis sa matouid, at palibhasa,i, natatanto ang boong cahulugan nang masama at magaling.

Cahit paghandogán nang boong cayamanan at caran~galan sa mundó, cahit pagpisanan nang lahat nang hirap, cahit icatapos nang buhay, ay di magpapahamac gumaua nang icasisira nang sariling puri, palibhasa,i, natatanto yaong matouid na hatol nang Dios Espíritu Santo na isinulat ni Salomon: magpilit cang magin~gat nang magandang pan~galan, ang cahuluga,i, magmahal ca sa asal.

Cun matutong maquipagcapoua tauo,i, magpapacailag sa quilos, asal at pan~gun~gusap na macasusucal sa mata nang iba, at di man cusain, ay calulugdán at iibiguin nang lahat.

Ipagcaloob naua nang Dios na matandaan at itanim sa dibdib ni Honesto itong maicling hatol na isinulat co sa iyo, at nang malagui sa pagibig sa Dios, at matutong magpacamahal sa asal. Adios, Feliza, hangang sa isang sulat.—URBANA.

CALASIN~GAN. 10

Si Urbana cay Feliza,—MANILA....

FELIZA: Sa pagcamasid co na sa maraming bata saan mang bayan, ang isa sa man~ga nacasisira ay ang malabis na paginom nang alac na naquiquita,t, namamana sa paquiquipagibigan; sa sulat na ito, minatapat co na siya cong saysayin sa iyo, at nang pagpilitan mo na si Honesto,i, macailag sa masamang caibigan at nang houag mahaua sa canilang vicio. Cun ang batang iya,i, lumaqui,t, maguiguing baguntauo, icao ay lumamagay na parang pan~galauang ina, at ipan~garal mo yaong magandang hatol ni Tobias sa anac: houag cang maguicain at maqui-inom sa masamang tauo, at nang houag cang sumamang para naman nila. Cun ang tamaan ni Honesto ay man~gin~ginom, mauilihin sa taberna, ay di malaon at cun áno ang asal nang casáma ó caibigan, ay siya namang aasalin. Houag din nauang itulot nang Dios na siya,i, magcagayon. Ipaaninao mo na ang paglalasing ay nacasisirá sa caloloua, nacapagcacasaquit sa catauan, nacauauala n~g puri, at nacalilipol nang pagaari. Tingni,t, aquing sasaysayin itong apat na casamán na natutubo nang lasing sa alac.

1.° Ang caloloua na pinamahan nang Dios nang caniyang larauan, pinamutihan nang tatlong capangyarihan, bait, alaala,t, loob, at sa santo bautismo,i, pinagcalooban nang lalong matataas na cabanalan at daquilang biyaya, ang isa sa man~ga graciang ito, na sa caloloua,i, inahihiyas nang lan~git ay nauaualang lahat at palibhasa,i, nagcacasala nang daquila. Pag nagcagayon na,i, ¿ano pa ang quinasasapitan nitong calolouang anac nang Dios sa gracia, cun di ang maguing alipin ni Satanás sa sala? ¿Nasaan ang cabaitan, nasaan ang calinauan nang isip, baquit cun nalalasing na,i, cahit aglahiin, cahit pagtauanán ay di dinaramdam, at palibhasa,i, di nacaquiquilala? Ang hayop ay cahit ualang bait, na para nang tauo ay pinagcalooban nang Dios nang isang bagay, na cahit di matatauag na bait, ay cahalintulad nang bait na iquinaquiquilala nang pan~ganib, na icatatapos nang canilang buhay; n~gunit ang tauong lasing ay ¿nacaquiquilala caya bagá nang pan~ganib na ito, na parang pagcaquilala nang hayop? Cun lumalacad sa daan, cahima,t, may mata na itinitin~gin, ay di naquiquita ang batong catitisuran, ang butas na cahuhulugan at palibhasa,i, napagdidimlán ang isip. ¿Nasaan ang catibayan na ipinagcaloob nang Dios? ¿baquit caya baga máhipan lamang nang han~gin ay susuray suray at guiguiri-guiri? Baquit caya baga,t, cahit isang bata ang siyang magtulac, ó di man itulac at masagui lamang, ay nayuyucayoc at nasusubsob? ¡Tauong caaua-aua at cahabag-habag! na punó nang alac ay nahubdán nang cabaitan, at palibhasa,i, napagdimlán ang isip. Napagdimlán ang isip ay nahubdán nang magandang hatol, na salat sa matotouid na sabi, naticom ang bibig sa tamang salitá, at ang pinapamimilansic sa dilang matabil ay ang panunun~gayao at panunumpâ, ang maruming sabi at uicang mahalay, ang pagyayabang at paghahambog ang pagtatalo at cun magcabihira,i, ang pagtatagaan at pagpapatayan. Pasoquin cun ibig ang bahay nang masasamang piguing, malasin ang pagpupulong sa man~ga taberna, at diya,i, maquiquita ang man~ga casalanang ito. Siyang naquiquita sa man~ga lugar na iyan, at siya rin namang saysay nang Dios Espíritu Santo sa capitulong icadalauang puo,t, tatlo nang proverbios.11

 

Cun sumisirà sa caloloua ang malabis na pag-inóm nang alác; ay sumisira rin naman sa catauan. Dinguin ang catotohanan. 2° Cun dito sa ibabao nang lupa, ay may quinacamtang munting caguinhauahan ang catauan, ay ualang caparis na para nang cun di dinaratnán nang saquít. Ang tauo,i, cahit sacdal hirap, cun masaya ang loob, masiglá, ang catauan, ay tinatauag nating mapalad, n~guni cun datnán nang saquít ay ang buntonán man nang yaman, ang batbatin man nang hiyas, ang punin man nang caran~galan, ang sambahin man nang mundo,i, tauo ring mahirap, at palibhasa n~gá,i, na sa hirap. Caya ang lahat nang tauo,i, nagpipilit umilag sa saquit, at cun sacali datnan, ay ang lalong masaquít na tapal, ang capait paitang painóm, ang patuloin man ang dugo,i, nagtitiis nang hirap, at macamtan lamang ang hinahan~gad na cagalin~gan. Ang lahat ay ninilag sa saqíut, bucod ang mapaglasing na humahanap nang saquit, at nagpapaiclí nang buhay. Ang lalong matibay na catauan ay nanghihina, nagcacasaquit at cahit batang bata ay tumatanda,t, dumadali ang buhay pag nagiinom nang alac. Ang lalong mariquit na culay ay cumucupas, ang muc ha ay namumutlá, ang matá ay naninilao, ang catauan ay nan~gan~gayayat, nalulupaypáy ang licsi nang cabataan, ang siglá nang edad na catanghalian, ang ningning nang cagandahan, ay inaaglahing lahat nang alac: at sa muc-ha nang man~gin~ginom ay gauari may naguguhit na malaquing letra, na cahit sa malayo,i, nababasa ang ganitong, pan~gun~gusap: aco,i, tauong lasing. Si Hipócrates at si Galeno at ang lahat nang médico ay nagpapatotoo na ualang pansira nang catauan na para nang catacauan sa pagcain at nang cayamoan sa pag inom nang alac at uala namang pangtibay na-para nang casiyahan. ¿Ilan caya baga sa ating man~ga cababayan: ilan sa man~ga caquilala ang dinatnan nang peste ó salot, ilan ang namamatay sa masamang han~gin; ilan ang sa taol,12 ilan ang nalulunod sa dugó dahil sa di pagtitipid nang pagcain at paginóm? Ang lahat nang ito,i, natatantó nang lasing, n~guni di pinapansin, at palibhasa,i, di mapaglabanan ang masamang caasalán.

Ang tiyan nang man~gin~ginom ay maipag hahalimbaua sa isang pusalian, na sinisin~gauan nang lalong cabaho bahoan na sumisin~gao sa catauan, caya cahit ualang lamang alac, ay quinasusuclamán nang capoua tauo, ayao lapitan, at palibhasa,i, nacahihilo. At ang lalong casaquitsaquit, ay ang biglá at masamang camatayan, na tumatapos sa masamang buhay, sapagca,t, pinatataláb sa canila ang uica nang Dios Espíritu Santo: cun ano ang pagcabuhay gayon din ang pagcamatay. Caiin~gat man~ga binata dito sa masamang vicio at linin~gin yaong santong hatol nang ating Pang~inoong Jesucristo.13 Mahalin ninyo ang inyong buhay caiin~gat at baca mabigatan ang inyong puso sa cayamuan, sa pagcain, sa paginom at sa paglalasing; ay datnán cayo nang biglang camatayan. Ano pa n~ga,t, ang pinaquiquinabang nang lasing sa malabis na paginóm, ay pauang cahapis-hapis, asal na parang hayop, buhay na cahirap-hirapan, may caloloua,i, para ring uala, cun marapa,t, macatindig ay mararapá ulí, at mapupuno na ang ulo nang sin~gao nang alac, ay mahahalang na lamang sa tabi ó guitna nang lansan~gan at ang siya ma,i, pagsicaranan, aglahii,t, pagtauanan, ay di namalayan, at palibhasa,i, cahoy na na cahalang. Caya uala camunti mang inin~gat na puri.

3° Ang puri ay isang mahalagang hiyas, na iguinagayác nang tauo sa caniyang pan~galan. Caya may nagmamahal sa puri, na mahigit pa sa buhay, na sumasagasa sa lalong daquilang pan~ganib, lumululong sa camatayan, houag lamang mauala ang puri na iniin~gatan. Sumasalacay sa lalong maban~gis na caauay, houag lamang masira ang magandang pan~galan. Sa icalabindalaua nang capitulo nang Eclesiastes, ipinagbibilin nang Dios Espiritu Santo, na magin~gat nang magandang pan~galan, ang cahulugan, ay ang boong caasalan nang tauo, ay itutonton sa matouid, ang gaua at pan~gun~gusap ay i-aalinsunod sa utos nang religion Santa nang icararapat sa Dios at pagcamit nang puri nang tauo, n~guni ang santa religion, ang puri at lahat camahalan ay hinahamac na lahat nang man~gin~ginom. Pag napuno na nang alac ay parang ulol na lumalacad sa daan: may mata,y, para ring uala; may tain~ga,i, para ring bin~gi; ang bait ay di magamit caya cun magpasuraysuray, cun marapa at magban~gon, cun maquiling at magtouid at aglahiin nang man~ga bata, pagtauanan at paghiyauanan nang tauo, ay di dinaramdam, palibhasa,i, ualang cahihiyan. Cun may caloloua,i, para ring uala, cun may catouiran man ay hindi macayanan, caya ang sabi ni San Basilio, ay masama pa sa hayóp.14 Ualang hayop na tulig, ualang hayop na mangmang na para nang tauong lasing, caya panira nang puri sa magulang na pinanggalin~gan, sa asaua, anac at boong cahinlugan; iquinahihiya sa bayan, at palibhasa,i, ualang inin~gat na puri at camahalan. Caya di naman pinagcacatiualaan nang cahit puri at catungculan sa bayan.

Sa isang lasing ¿ay sino caya baga ang magpapahayag nang lihim, aling may bait na dalaga ang macaiibig, alin cayang magulang ang magpapacasal sa anac, aling caya bagang man~ga guinoó ang magcacatiuala na papagpupunuin sa bayan; cun hindi rin lamang nasusuholan nang salapi ó napahihibo sa masamang suyo, cahit mapahamac ang sangbayánang tauo? Ualang magcacatiuala, at di naman sucat pagcatiualaan ang tauong lasing. Quinapopootan nang lahat, hindi pinacucundan~ganan, cun di hinahamac, sa man~ga salita,i, guinagauang ulo, at sa man~ga pagpupulong ay masabi lamang ang pan~galan nang tauong lasing, ay naguiguing pagtaua at panghalac-hac, at palibhasa,i, ualang camahalan, ualang puri, ualang cábaitan at ualang caran~galan, sapagca,t, pangsira nang capurihan, at gayon din naman sa cayamanan.

4°Ang cayamana,i, hindi lalagui sa man~gin~ginom, at palibhasa,i, iuauasac nang alac, gayon ang sabi ni Salomón sa proverbios:15 at siya naman naquiquita natin sa arao arao.

Sa umaga, sa tanghali,t, sa hapon nagdidilim sa tauo ang tindahan nang alac; diyan maquiquita ang ualang bait na guinoó, na di nagbibigay puri sa caniyang calagayan, at siya ang maestro sa pagtatagayan. Diyan nasisira ang bait nang binata, at diyan natatapos ang hinahap sa maghapon nang pobreng cantero, carpintero, banquero, anloagui, magsasaca at iba pang upahan. Pagtangap nang upá, bago omoui nang bahay, daraan sa taberna, at ang uica,i, lalagoc nang isang lagoc, yaon na ang alio. N~gunit ¿anong nangyari? capagcalagoc nang isa,i, may darating na caibigan tatagaya,t, magiinoman, yaon na ang isang pangalio. May darating pang isa,i, magiinoman na naman. Pag nagca ganito na,i, magmamala inibay, magpapaliparan na nang sabi, at uiuicain di man pacaibiguin ay huag lamang pagca hiin. Sa ganitong uica, magiinoman na naman, man~gagtatagayan uli, at uiuicain; ang quinacain nang tauo,i, di sa cagutuman, cun di sa alang alang. Sa inolit olit náng paginom ay nan~galasing ang tumagay at tinagayan at ang quinahinatna,i, natapos ang hinanap sa maghapon, nagcautang pa sa taberna, at ang inaoui sa asaua,t, anac ay alac at utang. Pagdating sa bahay, sasalubon~gin nang asaua, itatanong ang naquita sa maghapon, at palibhasa,i, inaasahang hahapona,t, aagahan nila,t, sampong man~ga anac. Sa tanong na ito,i, sasagotin ang pobreng babaye nang isang tun~gayao, sasalubon~gin naman nang asaua nang tun~gayao rin, at ang quinasapita,i, ang sala-salabat na sumpa,t, tun~gayao. Susumpain nang babaye ang lalaqui, at ang lalaqui naman ay sa babaye: susumpain ang canilang pagsasama, ipaquiquiramay ang anac at boong sangbahayan; at ang pangtapos sa gayong música, ay ang pagsusungaban, paghahampasan, pagsisicaran, pagtatadyacan at pagcacagatan. Ano pa n~ga,t, ang quinahinatna,i, ang buhay nang lasing ay naguing infiernong munti sa sinisin~gauán nang apóy na sari saring culay, nang pagtatalo nang magasaua nang hapis at cagulohán nang boong sangbahayan: at escandalo nang capit-bahay. ¡O cahapis hapis at cahabág-habág na man~gin~ginom! verdugo ca nang asaua mo, escándalo ca nang bayan at luha nang sangbahayán. N~guni ¿ano caya ang cagamotan?

Houag uminóm nang alac cailan man, ito ang cágamutan lamang na maihahatol sa iyo. Mahirap na hatol ang maitututol mo sa aquin, n~guni,t, mahirap man, ay anong gagauin, cun di ang pagpilitan: lalong mahirap ang mabuhay sa alac, mamatáy sa alac at icapapacasama. Lalong mahirap ang doon sa infierno ay painomin ca nang apdó nang ajas at apdó nang man~ga olopong na maguing parusa sa malabis na paginóm. Cun may saquit ang man~gin~ginom ay nacapagtitiis nang isa ó dalauang buan man na di tumítiquim nang alac, ¿baquit di mo magaua caya ang pagtitiis na ito, pacundan~gan man lamang sa icagagaling nang iyong caloloua? Ang icalauang maihahatol co sa iyo, ay cun ibig uminóm magpabili nang caunti, at inomin sa oras nang pagcain: houag magiin~gat nang marami sa bahay, sapagca,t, cun maquiquita,i, di macatitiis hangang, di malasing. Ang icatlo, houag maquisama sa man~gin~ginom, at nang di malamuyot sa dating gaua. Umilag sa man~ga piguing nang man~gin~ginom, sapagca,t, diya,i, hindi naquiquita ang casiyahan sa pagcain at, sa paginóm, cun di ang cayamoan. Ang icapat, houag uminóm sa di oras nang pagcain, sapagca,t, cun aboting ualang laman ang sicmura, ay umaac-yat sa ulo ang alac at nacapagcacasaquit. Pag uminóm, sa hapon at sa gabi, ay nacapagdidilim sa isip, nacasisira nang lacás nang catauan, at pagcacadahilanan nang man~ga saquít na aquing sinaysáy. Cun ang isasagót sa aquin, ay di macatitiis na di uminóm nang marami: ang ipinapacli co,i, pagaralan. Cun ang itututol sa aquin, ay di mangyayari,t, di macacayanan: ang isasagót co,i, tumauag sa Dios, patulong cay Guinoong Santa Maria, at nang macayanang paglabanan ang masamang caibigán sa alac. Ang caholi-holihan cong hatol, ay magconfesion general, salicsiquin ang calahat-lahatang casalanang na gaua sa boong panahong nagumon sa vicio, pagsisihang masáquit sa loob, ipahayag sa confesor nang macayanang; talicdán ang masamang caasalán, at nang masaoli naman sa gracia nang Dios; sapagca,i, cun ualà sa gracia, ualà rin namang lacás na icapaglalaban: cahit anong gauín, cahit pagpilitan, ay di mangyayari, at palibhasa,i, hindi calugdang tulun~gan nang Dios.

Aco,i, napalauig na lubha, Feliza, nang pagsasaysáy nang dilang casamáng bun~ga nitong calupit-lupit na vicio, nang maquilala ni Honesto,i, ilagan hangang bata; at nang di pagsisihan cun mapahamac. Ang sulat na ito, ay mabasa naua nang caniyang capoua bata,t, binata, at nang paquinaban~gan. Adios, Feliza, hangang sa isang sulat—URBANA.

 
10Man~ga cahatolan nang isang director ni Urbana, ayon sa malabis na paginom nang alac, ipinadala cay Felisa at nang maipaunaua cay Honesto.
11¿Cui vae? cui rixae? cui faveae? cuí sine vulnere? en suffosio oculorum? nonne his qui commorantur in vino et student calicibus epotandis?
12Sa ibang Provincia,i, taong ang tauag
13Luc. 21 v. 34
14S. Basil.
15Qui amat vinum … non ditabitur. Prov. 21. 17
Купите 3 книги одновременно и выберите четвёртую в подарок!

Чтобы воспользоваться акцией, добавьте нужные книги в корзину. Сделать это можно на странице каждой книги, либо в общем списке:

  1. Нажмите на многоточие
    рядом с книгой
  2. Выберите пункт
    «Добавить в корзину»