Бесплатно

Pag Susulatan nang Dalauang Binibini na si Urbana at ni Feliza

Текст
0
Отзывы
iOSAndroidWindows Phone
Куда отправить ссылку на приложение?
Не закрывайте это окно, пока не введёте код в мобильном устройстве
ПовторитьСсылка отправлена
Отметить прочитанной
Шрифт:Меньше АаБольше Аа

ANG PAGPAPATIBAY NANG LOOB

Si Urbana cay Feliza.—MANILA …

FELIZA: Di hamac ang pagpupuri co sa Dios, at pinagcaloobang ca nang matibay na dibdib, na dili nabagbág nang maulit na tucsò, na nagbantang sumirá nang cabaitan mo; nang timtimang loob na naca pagtiis nang hirap sa paquiquipaglaban. N~gayo,i, ang hatol co sa iyo,i, ang pananatili. Nagtagumpay cang minsa,i, houag cang malin~git, at di ca rin tatahanán. Ang buhay nang tauo dito sa ibabao nang lupa, ay palaguing paquiquipagbaca,36 caya ihandá ang sandata, houag pasuboc, iubos ang lacás, tapan~gan ang paquiquipag-laban, at catatag capag dating nang digmá.37

Ang demonio,i, cun tumucsò sa isang may loob sa Dios nang laban sa calinisan, ay di natin sucat na malirip. Palibhasa,i, diyan naquiquita ang carupucán natin, ay diyan ca naman pagpipilitang ihapay. Daraanin ca muna sa paquiquipag capoua tauo, hihicayating cang maquipagsalitaang palagui sa quinahihinguilán nang loob, ibubulóng sa iyo na ualang pan~ganib, sacá isusunód ang pagpapalagáy nang loob at pagmamahalan, at capag ang puso ay natalian nang masamang pag-ibig ay taling casunód na ang masamang gauá. Caya ang biling co,i, ang ilaban mo sa ganitong tucsó,i, ang pagilah sa pan~ganib, pagtauag sa Dios, pagdating nang oras.

At cun sacali ma,i, ipahayag mo ang loob mo na si Amadeo ay maguing esposo mo, ay houag itulot, sa puso ang maraming pagibig, at ang alalahanin ay Santo at malinìs ang Sacramento Santo Dios ang may lalang, ang Hari nang malilinis na Angeles, ang Esposo nang man~ga Virgenes: caya tatangapin nang boong calinisan. Tangaping malinis at nang di ang sumpá nang Dios, cun di ang caniyang bendición Santá ang igauad sa iyong casabay nang Sacramento. Basahin mo Feliza, ang sulat na calampi nito, na ipinadadala sa iyo nang aquing Director38.

CAHATOLAN

SA PAGLAGAY SA ESTADO

Isang Sacerdote cay Urbana.

URBANA: Sa sabi mo sa aquin na si Feliza ay nagcacailan~gan nang man~ga cahatolang ucol sa pagtanggap nang Santo Sacramento nang Matrimonio, minatapat cong isulat sa iyo at nang maipabasa mo sa caniya ang man~ga santong hatol, na sinipi co sa isang libro. Dito sinasaysay ang man~ga bagay na quinacailan~gan nang magsisipagasaua na ipagcacamit nang capalaran, at pagcacasundo nang esposo,t, esposa.39

Ang una-una,i, cailan~gan, na ang esposo,t, esposa,i, magcaparis nang uri at caugalian. Ang icalaua,i, ang pagiibigan. Ang icatlo,i, ang pagibig ay malagay sa catamtaman. Ang icaapat ay ang pagcacatiualaan nang loob. Ang icalima,i, ang babaye ay houag mapacalubha ang yaman sa lalaqui. Ang icaanim, ang edad ay magcaparis. Ang icapito, ang cagandahan nang babaye na hahanapin ay caiguihan lamang at huag lumabis. Ang icaualo,i, capoua mauilihin sa catahimican at mailaguin sa masasamang pagsasayahan. Ang icasiyam ay huag maiguin sa sugal na baual at malacas. Ang icasampo ay huag maramot at huag náman sambulat. Ang icálabing isa,i, capua banal at may tacot sa Dios. Ang icalabing dalaua,i, masipag at capua caauay nang catamaran. Ang icalabing tatlo,i, matanguihin sa pagcamamariquit. Ang icalabing apat ay loob na timtiman at mapagtiis nang hirap.

Cun ang lahat nang ito ay taglay nangsisipag asaua ay capilitang magcacasundo, ang uica Payo at panununtunan nang magandang capalaran. Cailan~gang magcaparis sa pagca ualang capayapaan, cundi magcagayon. Ang uica nang pitong pantas sa Atenas: ang babaye ay humanap nang caparis at gayon din ang lalaqui.40 Ang lalaquing nagasaua sa babaeng mahal pa sa caniya ay di esposo ò asaua cundi alila ang casacapitan at parang humahanap lamang nang caniyang infierno. Gayon ang uica ni Flutano, Huag mong papag samahin sa pagaararo ang baca at asno, ang uica nang Dios sa santong sulat,41 sapagca,t, sa di pagcacaparis nang canilang lacas at ugali, ay di naman magcacauasto sa paggaua.

Ang icalauang quinacailan~gan, ay ang pagibig, pagca,t, cun may pagibig, ang anomang hirap ay pagcaca-isang bathin, at mabigat man sacali,t, pinagtutulun~gan ay mamagaanin. Cun may pagibig, anomang masapit ay di maghihiualay. N~guni,t, cun ualang pagibig, ang munting hirap ay di matitiis, ang uica ni San Agustin, at palibhasa,i, di nagcacatulong nang pagbabatá.

Ang icatlong cailan~gan, ay ang pagibig ay houag lumabis, sapagca,t, cun lumabis, ay pan~ganib na mahulog sa catacot-tacot na panibughó. Pag ang alin man sa dalauá ay maguing panibughoin, malin~gat lamang sa matá nang asaua, ang acala,i, naglilo na; lumurá lamang sa durun~gauan, pinagbibintan~gan na may causap. At ang guinasasapitan ay ang magasaua,i, parang na sa infierno. Ang naninibugho,i, parang, isang verdugo sa panibughoin. Gayon din, naghihirap ang ipinaninibughó, sapagca,t, nasasactán ang loob sa paglililo na ipinagbibintang sa caniya. Caiin~gat ang magasaua sa panibughó, sapagca,t, nagpapamatá sa masamá. At cun ang isa,i, mapunó na ay niuiuica sa loob na caniyang titiquisin.

Ang icapat na cailan~gan ay ang pagpapalagayan nang loob, gayon ang uica nang haring pantás sa babayeng timtiman na pinagcacatiualaan nang puso nang caniyang esposo,42 n~guni nacasisira rin naman ang malabis na pagcacatiuala sa asaua. Cun di nagca gayon si Samson cay Dalila, di disin nahulog siya sa camay nang man~ga filisteos, di disin napahamac ang caniyang buhay.

Ang icalimang cailan~ga,i, ang babaye ay houag yumamang lubha sa lalaqui; sapagca,t, cun magca gayo,i, ang babaye ang maguiguing lalaqui at ang lalaqui ang maguiguing babaye. Marami ang napapahamac na pagaasaua, sa pagca hindi esposa cun di pilac ang hinahanap.

Ang icaanim na cailan~ga,i, ang edad ay magcaparis; sapagca,t, cun magcacahiguitan nang malaqui, ay magcacaroon man nang pagibig, marahil ay di lumagui at cung magca gayo,i, mauauala ang pagcacasundó, at cun samain pa nang palad ay mararamay pati nang pagtatapat nang loob. Ayon sa bagay na ito,i, marami mang bagay na sucat masaysay ay hindi mangyari, at masisinsáy sa calinisan.

Ang icapitong hinihin~gi ay ang cagandahan nang babaye ay malagay sa caiguihan sapagca,t, cun lumabis, marahil ay di matahimic ang lalaqui sasaguian nang agam-agam na sa caramihan nang nalulugod sa caniyang esposa ay baca siya paglilohan. Gayon ang sabi nang daquilang Sacerdote nang Santa Iglesia na si San Juan Crisostomo.43

Ang icaualang cahin~gia,i, ang magasaua,i, capua maibiguin sa catahimican, nang di ang lalaqui man~gamba sa caligaligan nang babaye at nang di ang babaye caya naman ang maghinala sa lalaqui cun maquitang ualang palagui sa bahay at pagalagala, lalo,t, cun palabiro at mapag aglahi. Ito,i, tagubilin nang isang pantas sa Grecia.44

Ang icasiam ay capua umilag sa sugal sapagca,t, ang viciong ito ay pangsira nang pagaari, mula nang pagaauay nang magasaua, iquinalilimot sa Dios nang pagtupad nang catungculan nang pagca cristiano, nang pagcacalin~ga sa pamamahay, nang pagaral sa anac; at cun ang babaye ang matutong magsugal, ay lalong malaquing casiraan nang matrimonio. Maraming lubhang casaman ang napapaquinabang sa sugal. May isang babaye na mauilihin sa sugal, na maguing ilang oras man sa laró, ay di naiinip, at palibhasa,i, malaqui ang pagcaibig. Sa guinayon-gayon ay di dinatnan nang saquit. Gayon man ay di pinapansin at nagsugal din. Isang gabing na uupo siya sa sugalan, caraca-raca,i, sumuca siya nang dugó, inabot nang camatayan. Ang caniyang vicio ay sugal, sugal ang ipinagcasaquit, sugal ang iquinamatay. Sucat pang hinuhaan nang maibiguin sa viciong ito.

 

Ang icasampuong cahin~gian, ay capoua hindi masaquim sa salapi at di naman sambulat. Ang cailan~gan ay bait na icaquiquilala nang panahong tapat na ipagimpoc, at panahong ipagpapaquita nang magandang loob.45 Ang masaquim sa salapi ay salat sa pagibig sa Dios, at malupit sa capua tauo; at ang di marunong magsimpan naman, ay malapit sa paghihirap.

Ang icalabing isang cahin~gian ay ang tacot sa Dios sapagca,t, pinagpapala nang Lan~git. Ang uica nang Dios Espiritu Santo,i, ang calolouang may tacot sa Dios, ay hinahanap at pinacamamahal at pagpapalain naman nang Dios.46 Ang Dios ang canilang pinananaligan na magtatangcacal sa canila,i, ang mata naman nang Dios ay parating lin~gap sa nananalig at umiibig sa caniya.47 Mapalad ang magasauang may tacot sa Dios mapalad sa canilang pagsasama, mapalad sa man~ga anac, mapalad hangang sa ca-apu-apuhan.

Ang icalabing dalaua,i, ang casipagan. Si Adan at ni Eva ay linalang nang Dios at paraisong puspós nang toua ang pinaglagyan sa canila, n~guni pinagutosan din na bagbaguin ang lupang iyon, at nang may pagca liban~gan.48 Ang babayeng hinahanap at pinupuri nang haring Salomón ay ang may inin~gat na bait,49 di ang may cagandahan at palibhasa,i, madaling lumipas,50 cun di ang may cabanalan at may cabaitan, na sucat pagcatiualaan nang puso,51 camahala,t, puri nang isang esposo, at dilang cayamanan na sa caniya,i, ipinamamahala nang dilang casipagan na di ang quinahihinguila,i, ang maghiyas at magpamuti nang labis na di nababagay sa caniyang calagayan cun di ang magca in~ga sa pamamahay, humanap nang lino at balahibo nang tupa na hinahabi,t, itinatalaga sa esposo at man~ga casambahay, dili cumain nang tinapay na di pinagpaguran;52 ang babaeng itong caguilaguilalas na naghihiyas nang puri at cabaitan53 at dilang cabutihan na sucat taglayin nang esposa at ina ay pinanguilalasan nitong pantas na hari at nauica na ualang caparis sa lahat nang babayeng anac sa Jerusalem.54 Ang babayeng ito ay parang corona nang esposo, at palibhasa,i, iquinararan~gal sa bayan at parang camahalang taglay nang caniyang pan~galan na iquinatataas nang caniyang puri sa guitna nang caguinoohan.55 Ang ganitong esposo ay capilitan mamahalin nang caniyang esposo at cabubuhosan nang boong pagibig pamimintuho,t, paggalang nang caniyang man~ga anac, at capalad-palaran ang ibabansag sa canilang ina.56 Caya sa panguiguilalas nang haring Salomon, ay ipinagtatanong cung sino ang maca quiquita nang isang babayeng timtiman, na ang camahalan ay higuit sa camahalan nang lahat nang cayamanan sa mundó:57 Mapalad, ang uica nang Dios Espírito Santo, ang lalaqui na may asauang banál.58 Mapalad sa canilang pagsasama, mapalad sa canilang pagaanac, mahal hangang sa caapuapuhan. N~guni ang capalarang ito sa caraniuán, ay di ipinagcacaloob nang Lan~git, cun di sa lalaquing may inin~gat na cabanalan.59 Caya ang babaye,t, lalaqui, magcaca-asaua, ay dapat capoua magtaglay nang casipagan, cabaitan at cabanalan. Sa catagáng uica,i, magsising isa magandang asal at nang magsising-isa naman sa magandang palad.

Ang icalabing tatlo, ay houag maibiguin sa malabis na pagmamariquit. Ang isang dalaga na nagnanasang magasaua, ay nauucol na magdamit nang mabuti at malinis, n~guni itutuntóng sa guhitt, sapagca paglumabis, ay maooui sa caparan~galan at pagpapa-ibig. Bucód dito nama,i, ang isang dalagang butihin ay sucat catacutan nang baguntauo, sapagca,t, ang uica ni San Basilio, ay cahit ang pilac ay maparis sa agos na pumapanhic sa bahay, ay madaling mauhos nang babayeng butihin, at sucat icapahamac nang isang lalaqui. Si Salomón ay hari na mayaman at marunong, minamahal nang bayan nang siya,i, bagong maghari. N~guni nang ang caniyang puso ay mabihag at alipinin nang man~ga babayeng butihin sa caniyang palacio, ay nabighaning sumambá sa man~ga idolo, sa pagbibigay loob. ¿Ano pa ang nangyari? Quinapootan nang bayan, dahil sa napilitang pinasaquitan ang caniyang caharian nang matataas na buis, at nang masunód ang masasamang cahin~gian nang mapagmariquit na man~ga babaye na inaalagaan. Sa lalaqui di ucol din naman ang magmariquit nang labis sa caniyang catauan at sa pamamahay; sapagca,t ipaghihirap nang asaua,t, anac.

Ang icalabing apat na cahingian ay ang babaye ay tahimic at matiisin. Ang mundó ay bayan nang dálita, na may hirap na titiisin sa magulang, may asaua,t, sa anac at dilang casambaháy. Cun ang babaye ay ualang loob na timtiman, na ipagtitiis nang hirap, ay ualang caguinhauahang cacamtan sa pagaasaua. Sapagca,t, di matutong magpuno sa pamamahay, at di maca sundó nang caniyang esposo. May man~ga babaye na cun titingnan ay naca guiguilio, at masayá ang muc-ha, at sa paquiquipagcapoua tauo ay cagandahang loob ang ipinaquiquita, n~guni sa munting, masira ang caibigán, ay ipinahahalata agad ang tinagong casamán. Ang mata,i, nanlilisic, ang in~gay nang bibig ay para nang sa campana, ang tinacáp-tacap ay parang manóc na putaquin, sa bibig ay nananambulat ang tun~gayao na anaqui,i, apóy sa himpapauid: ang man~ga babayeng ito,i, saan caya natin maipaghahalimbaua, cundi sa putacti na masaquit sumiguid, sa man~ga olopong na may tinagong camandág na talagá sa apóy sa infierno. Gayon ang uica nang ating P. J. C.: ¡oh lahi nang ahas at man~ga olopong! ¿papaano cayang macaliligtás cayo sa apóy sa infierno ó sa galit nang Dios, na nagbabalang magparusa sa inyo?

Pang-hinuhahan nang man~ga babaye ang parusang ibinibigay nang Dios sa isang babayeng palatun~gayao sa Cataluña, na sinalitá nang Señor Obispo D. Antonio Claret. May narinig, aniya aco, na isang babaye na nagtutun~gayáo, ay pinan~garalan co. Sa pan~gan~garal co i, tumahimic na saglit, n~guni nang málayo aco,i, umulit na naman. Dito,i, catacot tacot ang nangyaring parusa nang Dios. Namagá ang díla nang labis, na di macasiya sa bibig, nan~gin~ginig, at humihin~gal na tila malalagót ang hinin~ga. May tumauag sa aquin at nang mapa compisalán co, itong caaua-auang babaye; n~guni, ¡oh masamang capalaran! Hindi na nacapan~gusap, at di co naman naquitaan nang tandang pagcacaquilanlan nang caniyang pagsisisi.

Ito, Urbana, ang nacayanan nong sinipi sa man~ga casulatan na man~ga santong hatol, na ucol cay Feliza, sa iguinagayác nang loob na pagtangáp nang Santo Estado. Paquinaban~gan na na niya. Adios, Urbana—ISANG SACERDOTE.

Cun icao, Feliza, ay macapagtitiis nang hirap, macayayacap sa mabigat na cruz na pinapasán nang isang babayeng may asaua: uica co sa iyo,i, tangapin mo itong mabigát na pasán. Cun ang lahat na cabutiha,t, cabanalang hiyas nang isang babayeng timtiman na hinahanap ni Salomón at pinupuri nang Dios Espíritu Santo, ay di mo man iniin~gatan at nasusunód, ay pagsasaquitan mong sundin: uica co sa iyo,i, tangapin ang Santo Sacramento nang matrimonio. Cun si Amadeo,i, may inin~gat na bait, may tacot sa Dios, na para nang sabi mo, macapagbibigay sa iyo nang magandang halimbaua; cun icao,i, marapa ay maibaban~gon ca: cun mapasinsáy ca sa daang matouid ay maipapatnugot ca: cun inaacala mo na matimpi ang loob na maca pagtitiis nang taglay na hirap niyang mabigát na estado; cun nararamdamán mo na marunong magparaan nang mumunting casiraan at capintasan, na pilit maquiquita sa isang esposa, at palibhasa,i, babaye; cun naquiquilala mo, na ang caniyang ugali ay dili malupit cundi mabanayad at ang casiraan at capintasang taglay, palibhasa,i, tauo ay mapararaan mo: paganhing saysayin, cun nahahalatá mo na cayong dalaua,i; maca pagtitiisan, at ang mabigat na cruz, na cun sarilining pasanin ay di macacayanan, at cun pagtulun~gan ay mamagaanin: hatol co sa iyo ay ipahinuhod cay ina ang calooban mo sa caniyang calooban na si Amadeo,i, maguing esposo mo. Caya ang mabuti ay magmasid muna at magtanong tanong. Feliza ang Dios naua,t, si Guinoong Santa Maria, ang tumulong sa iyo. Adios, hangang sa isang sulat.—URBANA.

 

PAGSANGUNI

NI FELIZA SA ISA NIYANG CAIBIGAN

Si Feliza cay Urbana.—PAOMBONG …

URBANA: Basahin mo ang sulat nang isa cong caibigan na casama nito. Nabalitaang co na siya,i, caquilala at capit bahay ni Amadeo, caya siya ang pinagtanon~gan co, cun sa caasalang naquiquita niya sa baguntauong ito, ay maihahatol niya sa aquin na ipahinuhod co ang aquing loob, na maguing esposo co.

Isang caibigan ni Feliza

FELIZA: Sa cahin~gian mo na saysayin co sa iyo ang caasalan ni Amadeo, di mo man sinabi ang puno,t, cadahilanan, ay nahulaan co ang laman nang pusó mo. Dinguin mo ang aquing salitá:

Ang bilang nang panahon nang pagca tauo ni Amadeo ay labis nang dalaua sa edad mo n~gayon na labing anim. Natanto mo na siya ay tubo sa liping guinoo; ang magulang niya,t, magulang co naman ay magcacaibigan, caya ang canilang pagcacaquilala at pagcacasundo ay aming minana naman ni Amadeo, na aquing capoua bata. Di mamacailang nacacasabay co nang cami,i, musmos pa sa pagsisimba, at pagpa sa escuela, cayá ang madalas ay na pagtatanon~gan co nang di co narurunun~gan sa lecciong ibinigay sa aquin nang maestra. Ang caniyang cabaitang cacambal nang pagca bata, ay di tinalicdan, cun di pinaibayuhan, n~gayong lumaqui na. Loob ay matipid, marunong maquiramdam sa capoua bata; hindi naquiquipag-ibigan cahima,t, can~gino, cun di sa naquiquilalang may tacot sa Dios: Dinguin mo ang sinasalitá niya sa aquin na napahamac na bata, dahil sa maling pagiibigan, na caniyang nabasa sa isang libro ni San Alfonso de Legorio.60

May isang batang may loob sa Dios, mauilihin sa pagcocompisal at paquiquinabang, na sinabi nang caniyang confesor na di nagcasala nang daquila, mula nang magca loob. Isang arao na siya,i, naglilibang, nacatagpo nang isang masamang bata, na nacasira nang caniyang cabanalan. Ualang málay malay sa pagcacasala, ay tinuruan nang paraan nang malupit na batá, sa paggauá nang masamá. Nang siya,i, maoui sa caniyang bahay, dumating ang gabi,i, guinauá ang natutuhang casalanan.

¡Oh di sucat malirip na justicia nang Dios! Nang gabi ring iyon ay dinatnan nang camatayan sa pagcacatulog. Nang quinabucasang maquita nang ina,i, patay ang anac, ay ualang pagcasiyahan nang calumbayan, dahil sa pagcamatay na biglá, at di pagcacompisal nang caniyang anác. Ipinatauag na madali ang confesor, at ipinahayag ang caniyang agam-agam. Ang sagot nang confesor, ay huag ca, aniyang man~ganib, at ang anac mo ay di nagcasala cailan man nang daquila; gayon man aniya,i, ipaghahaing co siya sa Dios nang Santo Sacrificio nang misa, upan ding macacauas siya sa hirap sa purgatorio cun doo,i, may pinagdurusahan. Lumacad nang madali sa sacristia ang sacerdote, at gumayac, sa pagmimisa. Nang siya,i, pasa sa altar na, ay nacaramdam na sa caniyang licoran ay may humahauac sa casulla,t, ayao siyang palacarin. Nang caniyang lin~gonin, ang naquita ay isang caquilaquilabot na anino, na anyong tauo na nan~gusap; huag mo aniya, acong ipagmisa, at aco,i, nagdurusa sa infierno. Sa uicang ito,i, sabihin ang pagcamaang nang sacerdote. ¿Di baga, aniya, ang sabi mo sa aquin nang icao buhay pa,i, di ca nacagaua nang casalanang daquila? Oó, ang sagót nang caloloua, hangang sa cahapong aco,i, tinuruan nang masamá. Capagca gauà co nang casalanan, ay tinambin~gan aco agád nang parusa.

Ito ang dahilan, Feliza, nang pagilag ni Amadeo sa masamang pagiibigan, caya malayong malayo, at ilág na ilág sa man~ga batang hilig sa calupaan. Di naquiquipagpulong sa man~ga lansan~gan at sa pagiinoman.

Sa umaga, bago patun~go pa gagauin, ay nagsisimba muna at ang sinusunod yaong hatol nang ating P. J. C. sa Santo Evangelio. Hanapin muna ninyo ang caharian nang Dios, at ang lahat ay maquiquita ninyo.61 Capagcatapos, ay napatutun~go sa caniyang sasahan, pinaquiquialaman. Cun macaquita nang i-asusucal nang loob sa man~ga upahan, ay di maca bitiu nang uicang di matuid, di nanampalasan at di linilimot na ang pan~ginoon at alila, ay iisa rin sa mata nang Dios. Cun nagsasaca nang caniyang buquid, cahima,t, ang hayop ay dili matumpac, nang paggauá, at naglilibang-libang, caraca-raca,i, hahanap nang lihim na lugar, nagpapasi-pacial, ang mata ay sa lupa,t, hindi nan~gun~gusap. ¡Oh Feliza! cun maquita cong gayon, ay naalaala co si Isaac, na naquita ni Reveca, na nagpapasial sa cabuquiran at nagdidili-dili.

Cun naquiqui umpoc sa man~ga binata si Amadeo,i, nacan~giti lamang dili mapanulos na maquipaghambogan, di naman pulaan yaong man~ga baguntauong nan~gagcacamali, diyan ipinaquiquita ang caniyang carunun~gan na maquipagcapoua tauo, na pinagaralan sa magulang. Cun may magpahamac na baguntauo, na maguica sa caniya na nagbabanalbanalan, dahilan sa naquiquitang cabaítan, at malimít na pagpasoc sa Simbahan, ay di mabuyong magalit, sumagot man ay banayad, di magdalang poot sa carohaguinan. Ay at tila naquiquita co yaong mabait na baguntauong nan~gusap: aco,i, isang baguntauo na inaaglahi at dinudouahagui, gayon ma,i, ang man~ga utos mo, Dios co,i, di co rin linilimot.62 Paganhing saysayin dito sinasalita co sa iyo,i, matatantó mo ang pagibig sa Dios at cabaitan, ang carunun~gang maquipagcapoua tauo, mapagtiis nang hirap at carouahaguinan sa mundo na tínataglay ni Amadeo.

Aquing nasambit sa iyo na sa tanong mo sa aquin, ay natanto co ang laman nang puso mo. N~gayo,i, dinguin mo naman yaring ipahahayag co, na di man sagot sa tanong mo, ay ucol na hatol sa nabasa cong puso mo. Si Isaac ay mabait, mabanayád ang asal; di ipinahintulot ni Sara, na cániyang ina, na magasáua sa, man~ga babaye na taga Canaan, na palalo,t malupit, cun di cay Reveca, na tubo sa caniyang angcan na marunong matacot, mamintuho,t, cumilala sa Díos. Itong guinauá ni Sara, sa caniyang anac na lálaqui na sinalita co sa iyo,t, nang pagcunan mong uliran, yayamang naquiquitaan mo si Amadeo nang cabaita,t, cabanalan. In~gatan ca naua nang Dios, Feliza, at naghihintay namang pagutusan itong iyong—CAIBIGAN.

Sa ganitong balita, Urbana, nang isa cong caibigang tapat na loob; sa man~ga pahayag ni ama ni ina at iba pang camaganac natin, ay sinaysay co cay ina, na pumapayag na aco, na si Amadeo,i, maguing esposo co. Di co na sabihin sa iyo ang man~ga nangyaring ualang cabuluhan, bago cami nacasal. Sa arao na ito dumulog cami sa altar, tinangap namin ang Santo Sacramento nang matrimonio, aco,i, nan~gaco sa harap nang Dios at ng sacerdote, gayon din naman si Amadeo na aco,i, maguing esposa niya, at siya,i, maguing esposo co. Adios, Urbana, at hinihintay co na icao,i, sumulat sa aquin.—FELIZA.

36Militia est vita hominis super terram, Job. 6. v. 1
37Excre vires, ferocifer dimica atrocier in praelio esto esucerta. Serm. Joan Christ. de Mart.
38Ang confesor na cay Urbana ay pumapatnugot sa paggaua nang cabanalan.
39Ito,i, isang casulatan na ang bansag ay Casamiento perfecto. Sayo de And.
40Par pari jungatur conjux.
41Non arabis in bove et osino. Deut. 22. 10
42Conffidit in ea cor viri sui. Prov. 31
43Uxor nimis pulchra res est suspiciones pleno.
44Horat. Sat. 1. 1.
45Tempus acquirendi, et tempus perdendi, tempus custodiendi et tempus adjiciende. Eccl. 3. 6.
46Spiritus querentium Deum quaeritur et in respectu illus benedicetur. Ece Ecel. 34:14.
47Spes enim illorum in salvantes illos, et oculi Dei in diligentes se. Ibid. 15.
48Posuit eum in paradizo voluptatis ut operaretur. Gen. 2. 15
49¿Mulierem fortem quis inveniet?
50Fallax gratia et vana est pulchritudo. Prov. 31.
51Confidit in ea cor viri sui. Ibid.
52Panem otiaso non comedit Ibid.
53Fortitudo et decor indumentum ejus. Ibid.
54Multae filiae congregayerunt divitas tu supergressa es universas. Ibid.
55Nobilis infortis vir ejus, cuando sederiz cum senatoribus ferrae Ibid.
56Surrexerunt fillii ejus, et beatissimam predicovrentu vir.
57¿Mullerem fortem quís niveniet? Procul et de ultimis finibus pretium ejus. Ibid.
58Mulieris bonae beatus vir. Eccl. 26. 1.
59Mulier bona debitor viro pro factis bonis. Ibid. 3.
60Preparación de la muerte.
61Quaerite primum regnum, Dei et omnia adjicientur vobis.
62Adolescentulus sum ego et comptemptus; justificationes tuas non sum oblitus. Psal. 35.
Купите 3 книги одновременно и выберите четвёртую в подарок!

Чтобы воспользоваться акцией, добавьте нужные книги в корзину. Сделать это можно на странице каждой книги, либо в общем списке:

  1. Нажмите на многоточие
    рядом с книгой
  2. Выберите пункт
    «Добавить в корзину»