Бесплатно

Pag Susulatan nang Dalauang Binibini na si Urbana at ni Feliza

Текст
0
Отзывы
iOSAndroidWindows Phone
Куда отправить ссылку на приложение?
Не закрывайте это окно, пока не введёте код в мобильном устройстве
ПовторитьСсылка отправлена
Отметить прочитанной
Шрифт:Меньше АаБольше Аа

Cun icao, Feliza at Amadeo, ay pagcalooban nang Dios nang anac na lalaqui, na mag aaral sa Universidad at cun dumating ang panahón ay mag nasang tumangáp nang Orden Sacerdotal, ay houag cayong cadadali na mag bigay nang pahintulot, cun di rin lamang maquitaan nang carunun~gan na itutupád nang caniyang man~ga catungculan, sapagca,t, cun ualang carunun~gan ay di niya icagagaling, cun di icasasama, at sampong cayo,i, caramay dahil sa capabayaan. N~guni cun maganda ang nasa nang loob, ang siya baga,i, mag lingcód sa Dios, paquinaban~gan, nang Santa Iglesia na maca pag acay sa caloloua sa gauang magaling; cun maquitaan ninyo nang di munti cun di malaquing cabanalan, nalulupit sa sugal, masipag sa pag aaral, malayo ang loob sa masamang banta, mapag pasaquit sa catauan, mauilihin sa panalan~gin, sa pag gugunam-gunam, sa pag tangap nang man~ga Santos Sacramentos; ay houag sansalain, cun di hicayatin. N~guni ¿sino caya itong mapalad na Estudiante?98 Cun di rin lamang na gagayac ang loob sa pagtangap nang orden sagrado, ay pan~ganib na mapacasama. Houag ipahintulot nang magulang na ang, caran~galan, ang cayamanan sa mundo, at caguinhauahan sa lupa ang maguing dahilan na hicayatin ang canilang anac na tumangap nang orden sagrado. At cun maquita na ito ang pinag cadahilanan nang pag nanasang mag pare nang canilang anac, ay houag pahintulutan. At cun naquiquitang ualang gayac na cabanalan, cahima,t, mag pilit ay pacasansalain.

Marami pa,t, madla ang bagay na sucat masaysay sa inyo, ayon sa catungculan nang magulang sa anac, n~guni,t, di co na saysayin, yamang sa buhay ni Tobias ay marami cayong maaaninao. In~gatan cayong mag asaua nang Dios at ni Guinoong Santa Maria.—ISANG SACERDOTE

SANTONG ARAL

NANG ISANG MAGULANG SA MAN~GA ANAC
BAGO PUMANAO SA MUNDO

Si Feliza cay Urbana.—PAOMBONG....

URBANA: Igayac mo ang loob mo sa pagtangap nang isang balitang mapait sa loob, at ang pag cunang halimbaua yaong sumo sacerdote na binalitaan ni Samuel na pag dadalhan nang Dios nang maraming hirap; siya ang Pan~ginoon co,i, gauin ang minimatapat sa caniyang man~ga mata.99 Mumulang co ang salita.

Si ama nang á las siete nang umaga, na nangaling sa pag sisimba ay natisod sa lansan~gan, narapá ay nabalian sa dibdib. Capagcarapá ay dinampot co,t, aquing quinalong. Di co masabi sa iyo ang dinamdám cong dalamhati nang na sa aquing candun~gun na. Aquing namasdan na napipiquit ang matá, ang dibdib ay nag tatahip, hinahabol ang hinin~ga, cataua,i, nalulun~gayn~gay at di macáyanan. Gayon man ay tinapan~gan ang loob, nag pilit cumilos at tinaponan aco nang sabing caalio-alio: huag cang matacot anac co at ito,i, lilipas din. Sa salitang ito,i, ang naisagot co,i, isang buntong hinin~ga at isang patac na luhang tumama sa noó ni ama. Siya namang pag dating ni ina at ni Honesto, pinag tulun~gan namin binuhat, at inioui sa bahay. Dito co na nahalata na tayo,i, man~gun~gulila, na hindi nalaon nang pagca higá sa banig at naparaing na masaquit ang ulo, nag sisiquip ang dibdib, inaapóy nang lagnat at nang hipoin co ang camano ay naramdaman co na gulong-guló ang pulsó. Nang á las seis nang hapon cami ay tinauag na lahat sampuo ni Amadeo, at sa ami,i, nag pahayag: ang tauo ang uica,i, nan~gin~gibang bayan dito sa lupa,100 at hangang nan~gin~gibang bayan ay dinaratnan nang susong susong hirap; na cucubcób nang pan~ganib, na cun di tibayan ang loob ay ipag cacasala sa Dios. Cun malapit nang matapos ang caniyang pan~gin~gibang bayan, mahahan~go na sa hirap, maliligtas sa pan~ganib at macapapanood sa Dios, ay di dapat mahapis cun di matoua. Ang caloloua co,i, malapit nang maalis sa catauan cong masiquip na bilangoan, ay nagcacamit nang toua at naca ririnig nang magandang balita na pa sa sa bahay na nang Dios.101 Caya ang carampata,i, cayo,i, maquiramay sa quinamtan cong tua, at cahiman at aco ay pumanao sa mundo ay di co ring cayo lilimutan sa harapan nang Dios.102

Nang matapos itong masaysay ay ginin~ging siya,i, pacompisalan, at nang maca pag compisal ay gumayac naman sa paquiquinabang. Nang marinig na ang tugtog nang campana sa pag labás nang Viatico, ang catauan ay sumigla, nag bago nang lacas, sa muc-ha,i, nag ningning ang isang cauili-uiling saya, na anaquin baga,i, hindi mamamatay sa saquit na iyon. N~gunit, naquilala co na ang siglang iyon at caligayahan na hindi cabati nang caniyang mabigat na saquit, ay di ang pinag cadahilana,i, ang siya,i, maca tauid pa cun di ang pag dating nang sinisintang Dios, na sa caniya,i, dadalao. Marahil Urbana,i, na aala-ala mo pa na madalas na pan~ganlan ni ama na Sacramento nang pag ibig, sang-la nang pag ibig ang casanto-santosang Sacramento sa Altar caaya ayang bansag na caniyang namana cay Santo Tomás de Aquino Doctor nang Santa Iglesia at Angel sa pag ibig,103 caya sa oras na ito ay pauang pag ibig sa Dios ang caniyang ipinaquita. Nang maquita na ang Sacerdoteng may dala sa mahal na Sacramento, ay nag pilit lumuhod, na paalalay cay Honesto,t, sa aquin, at nang maluhod na ay aming narinig na sinambit yaong cay San Bernardo; tingni,t, narating na ang aquing casi. Nang maca paquinabang na ay nag pasalamat sa Dios at hinin~gi sa amin na siya,i, ihiga oli. Nang masangcapán nang Sacramentong Extremauncion ay pinapag daop ang camáy, ibinabá ang matá at hinin~gi cay Honesto na ipamuno sa caniya itong maicling panalan~gin.

¿Ano caya bagá Dios co ang igaganti co sa iyo sa lahat nang anang ipinagcaloob mo sa aquin?104 N~gayon tinangáp co ang mahal na Caliz na cabuhayan co,105 ay sasambitin co at pupurihin ang iyong pan~galan, at sa oras na ito nang pag panao sa mundó ay inaasahan co na ipag tatangól mo aco sa man~ga caauay co.106.

Icao caloloua,t, boong catauan co,i, mag pasalamat sa Dios, at ipag bunyi,t, purihin ang cagalang-galang na caniyang pan~galan.107

Icao caloloua co,i, mag handóg nang puri sa Dios, at houag mong limutin ang di maisip na caniyang ipinagcaloob sa iyo.108

 

Ang Dios ang nag patauad sa iyong man~ga casalanan, at ang dilang saquit mo,i, guinagamòt, niya nang caniyang aua.109

Ang ganitong pag papala mo sa aquin ay isinisiualat nang caloloua co sa sang daigdigang pinaghaharian mo, at inaanyayahang con mag puri sa iyo ang boo mong quinapal.110

At sa oras na ito nang aquing camatayan ay houag mong ipahintulot na magahis ang caloloua co nang man~ga demonio, caya ipinag tatagobilin co sa man~ga camay mo yamang sinacop mo nang mahal mong dugó, oh Dios na Pan~ginoong co.111 Nang matapos siyang magpasalamat sa Dios, cami ni Honesto ay linin~gon at pinan~garalan; hangang cayo,i, nabubuhay man~ga anac co houag ninyong limotin ang tacot sa Dios, at inyong itanim sa dibdib yaong cauili-uiling auit sa Dios ni Guinoong Santa Maria: ang aua nang Dios ay ilinalagui sa may tacot sa caniya, hangang caapo-apohan.112 Caiin~gat sa pagcacasala, at nga~yong aco,i, lilipat na sa isang buhay ay ang cabilin-bilinan co,i, cun aco,i, naquitaan ninyo nang masamang halimbaua, ay houag tularan, ihin~gi ninyo aco nang tauad sa Dios at nang aco,i, patauarin naman, at naquitaan ninyo aco nang magandang gaua ay inyong pagcunang uliran. At hangang nabubuhay cayo,i, houag macalilimot sa Dios caiin~gat na mahulog cayo sa casalanan.113 Cun itong man~ga huling bilin nang mamamatay ninyong magulang cun marápat na macapanood sa Dios, ay di co cayo lilimutin, at magmula sa lan~git ay igagauad co dito sa inyo sa lupa ang aquing bendicion. Nang matapos itong maipan~gusap ay binuhat ang canang camay, pinahalic si Honesto,t, aco, at cami binendicionan.

Nang mabendicionan cami, ay ang saysay: ang caloloua co, Dios na Pan~ginoon, ay nagnanasa nang manood sa iyo, nagdaramdam nang uhao; para nang paghanap nang uhao na usa sa bucal na tubig.114 Nang maipan~gusap ito ipiniquit ang mata,t, siyang pagcalagot nang hinin~ga. Si ina, Urbana ay ualang pagcasiyahan nang dalamhati, palaguing na sa suloc, ayao tumiquim nang canin, at ualang sariling lacas na ipagtiis nang hirap nang pan~gon~golila sa isang esposong hindi nacapagbigay sa caniya nang munti man lamang dalamhati. Si Honesto,i, tumatan~gis, dinaramdam ang caniyang pan~gon~golila sa panahon nang cabataan, n~guni,t, di maquitaan nang labis na pagpipighati hindi maringan nang ulol na pa nambitan, marunong magtipid at ang cabaitang taglay ni Honesto na caniyang pan~galan ay siya ring ipinahahalata.

Icao capatid co, ay ipinagbilin ni ama cay ina,t, sa aquin na houag cang pabayaan, houag panghinayan~gan ang caonting salaping guinugol, ipamanhic sa iyo na cun mamatapatin mo,i, pumasoc ca sa isang Beaterio, tumalicod sa mundò, ipan~gaco mo sa Dios ang calinisan hangang sa camatayan. At ang uica niya,i, ang man~ga panalan~gin mong malinis na para nang isang vírgen, ay inaasahan niya na aaquiat sa Lan~git na para nang inciensong haharap sa Dios, icaguiguinhaua niya doon sa isang buhay at dito sa lupa,i, ipag cacamit nang magandang pag papala nang Lan~git nang caniyang maiiuang familia.115 Bilin pa sa amin na houag ibalita sa iyo ang caniyang pagcamatáy, cun di cun siya,i, malibing na. Gayon ang bilin, at nang houag ca nang parini, at nang di na pagca abalahán, at nang di naman macasira sa loob mo. Cun ano ang bilin ay siya co namang sinunód. Sa pag cacasaquít ni ama, sa pagca burol, at paglilibing, marami ang nag si dalao, naquiramay sa aming hapís, marami rin naman ang quiquilalaning utang na loob sa canila, n~guni sa caramihan nang dumalao, ay dili naualán nang tauong cun di nasansala, ay nacaguló disin sa may saquit. Marami rin naman ang di nacararamay sa hirap, cun di sucat dising maca pag bigay galit, dan~gan ang cami ay nag hahauac nang loob. Di co na paca saysayin sa iyo,t, yamang na aaninao mo, at nang di naman nacarurun~gis pa sa sulat na ito. Adios, capatid co alalayan nauá nang Lan~git ang mag durusa mong dibdib.—FELIZA.

CAHATULANG UCOL

SA PAG AYON SA CALOOBAN NANG DIOS

Si Urbana cay Feliza.—MANILA …

FELIZA: Sa sulat mo sa aquin ay napag tanto co ang mulá nang saquít ni ama sampo nang caniyang pagca matay. N~gayo,i, ano ang mauiuica co sa iyo cun di ang umayon sa calooban nang Dios. Ano pa ang ating gagauin cun di ang alalahanin siya doon sa isang buhay. Ano ang ating iaala-ala sa canyang caloloua, cun di ang pag papasaquit sa catauan, ang pag aayunar, ay ihandóg natin sa Dios, upan ding icacauas niya sa casalanan, sacali,t, may pinag durusahan pa siya sa purgatorio. Ipag handóg nang santo Sacrificio nang misa sa pagca,t, cun catungculan nang anac ang sumaclolo sa magulang cun dinaratnán nang hirap dito sa buhay na ito, ay lalong daquila ang caniyang catungculang tumulong at sumaclolo doon sa isang buhay.

Ayon sa sabi na si ina,i, nag dadalamhating masaquit, ang hatol co sa iyo,i, ipanalan~gin mo sa Dios na bigyang caaliuan, sa pagca,t, sa Dios at di sa quinapál sucat nating asahan ang caaliuan nang ating caloloua.116

Sabihin mo cay ina na dumaramay sa caniyang hapis ang sacerdoteng director co, ipinamamanhic sa caniya na basahin itong casunód na man~ga cahatolan.

Minatapát nang Dios na cunin na dito sa lupa ang caloloua nang iyong esposo, ay ano ang ating uiuicain cun di ang dumating na ang panahong tadhana nang caniyang capangyarihan. Dumating na ang panahón nang pag ganti sa caniyang magandang gauá. Ang Dios ay di nag cacamali, di naca pag daraya,t, di naman napag darayaan. Cun nauucol na damdamin ang pagcamatay nang isang minamahal natin, n~guni nauucol naman na ang loob natin ay iayon sa calooban nang Maycapal, at nang icarapat natin ang pagdaramdam nang hirap. Ang magandang halimbaua na ipinaquita sa atin ni Jesucristong Pan~ginoon ay dapat alinsunurin. Nang gabing pag tiponan nang di mamagcanong, sáquit ang caniyang dibdib, ay nanalan~gin sa Dios Ama at nan~gusap: houang ang calooban co ang siyang mangyari, cun di ang calooban mo. Ano ang nararapat n~gayon cun di ang pag cunang uliran itong maalam na Maestro, at uicain: houag ang calooban co ang papangyarihin cun di ang calooban mo, Dios co.

Houag uicain, na cun di nagca malí ang médico ay di sana namatày, cun di guinamót nang mahusay, cun pina inóm nang gayon, cun tinapalan nang ganoon, di disin napahamac. Ang buhay nang tauo,i, pag dating sa guhit ay di maca lalampas, at pag dating sa guhit, cahit ang médicong gumamót ay carunong-dunon~gan ay nasisira ang dunong, hindi maquilala ang saquít, hindi matutuhan ang tapal na gamot. Dinguin ang nangyari sa Seraphin sa pag ibig cay Jesús na si Santa Teresa de Jesús.

Nagca saquit nang mabigát ang isang mongja na minamahal niya, sapagca,t, caramay-ramay niya sa hirap.

Isang arao ay nasoc sa silid nang may saquit ang médicong gumagamót, ay naquita nitong santa na pinipirin~gan sa matá nang isang Angel. Dito niya naquilala na cun ayao ang Dios, ang médico,i, di matutong gumamót sa may saquít, at ualang matutuhang gauin, caya uinica sa loob na dumating na ang capanahonan na ang mongjang iyon ay palipat na sa isang buhay. Caya ualá siyang guinaua cun di ang umayon sa calooban nang Dios. Sino ang iyong tutularan cun di itong mahal na santa. Nababasa rin naman sa buhay nang santo Job, na minsan ay may isang nag balita sa caniya: ang lahat mo ang uicang baca at asnos ay ninacao nang man~ga abeos, at ang man~ga tauo mong upahan ay pinag papatay na lahat, aco lamang ang nacatanan at nang sa iyo,i, maca pag balita. Di pa tapós ang salita,t, may dumating namang isa, at ang sabi, ang iyo ang uicang obejas at pastores ay pinanaogan nang apóy na galing sa Lan~git, nasunog na lahat, aco lamang ang naca ligtás at nang sa iyo,i, maca pamalita. Nag sasalita pa siya,i, may dumating namang isa na nag saysay: tatlo aniyang pulutong na man~ga Caldeos ang dumating, ninacao ang iyong man~ga camellos, at pinag pugotan ang man~ga taong nag aalaga, aco lamang ang nacatanan at nang sa iyo,i, maca pag sabi. Di pa tapós ang salita nitong nagbalita, ay may dumating pang isa na nag sabi naman: ang man~ga anac mong babaye,t, lalaqui, aniya,i, nag si cain sa bahay nang capatid na pan~ganay, caraca-raca,i, dumating ang isang bag-yo na galing sa parang, nauasac ang apat na suloc nang bahay, nahapay, nadaganan at namatay na lahat ang anac mo, aco lamang ang naca ligtas at nang sa iyo,i, maca pag sabi. Sa balitang itong capait-paitan, si Job ay nag dapâ sa lupa, nanalan~gin sa Dios at nag saysay: hubad acong lumabas sa tiyan nang aquing ina, ay hubad din namang mananaog aco sa hucay. Dios ang nagbigay, at Dios din ang bumáui: purihin ang cagalang galang na n~galan nang mahal na Pan~ginoon.

Manghinuha, icao at sinomang may hapis dito cay santo Job na uliran nang pag titiis. Hindi tinun~gayao ang Lan~git na pinangalin~gan nang apoy, na sumunog sa caniyang man~ga obejas; di nag bantang manghiganti sa man~ga Caldeos, na numacao nang caniyang man~ga camellos, cung di ang uinica,i, purihin ang Pan~ginoon Dios. Ano ang gagauin mo naman cun di ang igalang ang matataas na lihim nang Lan~git, umayon sa calooban nang Dios, at di ang umayon lamang cun di ang, siya,i, pasalamatan at uicain: Dios ang nag bigay sa aquin nang isang mabait na esposo, ay Dios din naman ang bumaui; purihin ang cagalang galang na caniyang pan~galan.117

Ang man~ga cahatolang ito, Feliza, ay sabihin mo cay ina na ariing balsamo na igamót sa sugat nang caniyang puso, i alio sa hirap nang caniyang pan~gon~golila. Na ulila siya sa esposong tauo, ay may isa naman na lalong caibig-ibig na esposong Dios, na pag uucolan nang caniyang pag ibig, at mag bibigay caguinhauahan sa calaotan nang dusa.

 

Ayon sa sabi mo, Feliza, na sa nag si si dalao ay may nararapat na quilanlin cang utang ay mayroon din namang na capag bibigay dalamhati, ay parang nahulaan co ang inalilihim mong cahulogan.

Sa nag si si dalao sa man~ga may saquít ay may maquiquita cang tauo na cahan~galan, ó sa caculan~gan nang bati na pinag aralan, caracaraca,i, papasoc sa silid nang nag hihirap, di na pinag iisip na siya marahil doo,i, maca rarami pa, at sa lugar na maca guinhaua, ay lalong naca pag papahirap, at ang pobreng may saquít ay halos di na maca hin~ga sa dami nang tauo. May maquiquita ca naman na may bumabasa sa tabi nang panalan~gin, at may nag tatauanan sa tabi nang hihigán, nag bibiroan na anaqui baga,i, iyon ang sinadya at di ang pag tulong sa may saquít. Ano ang magagaua mo sa man~ga tauong ito, cun di ang cahabagan mo ang canilang cahan~galan at di carunun~gang maquipag capoua tauo. N~guni di dapat ipahintulot nang isang pinagcacasactán ang gayong man~ga caasalan. Dinguin nitong man~ga han~gal na tao ang sabi sa aquin nang isang naca ligtas sa isang mabigát na saquít: aco aniya,i, dinatnán nang isang saquít na malaot cong dinamdam. Nang aco,i, tumindi na,t, ualá nang médicong gumamót sa aquin, at ang uica,i, ualang pag sala,t, di aco mamamatáy, ang catauan co,i, di co na maiquilos at ang boong asa nang aquing esposa,i, di na aco mabubuhay, ang lahat na salitaan nang aquing man~ga casambahay, cahima,t, bulon~gan ay naririnig co. Sa bagay na ito,i, ¿ano caya ang isasaloob nang isang naghihirap cun naiinis sa tauo,t, naca ririnig nang tauanan? Hindi malayong mapoot sa dami nang tauo, at mag hinala na siya,i, pinag tatauanán. At ang casasapitan ay ang na dalao sa may saquít ay siya ring nag papasaquít. At cun magca bihira,i, siya pang naca tutucsó.

May maquiquita ca namang na pa sa sa bahay nang patáy na may panyóng lucsá at ang baro,i, pulá, ¿ano ang ipinaguiuica sa canila nang man~ga tauong ito? Tulíg. May maquiquita ca namang anac na nag lulucsá sa magulang o asaua, ay di matagalán nang dalauang buan at inaalis na ang lucsá. ¿Ano ang cahulogán nang ganitong caasalàn? Ayao nang alalahanin ang naualang asaua, at ayao papurihan ang naualang magulang.

Icao Feliza at Honesto,i, ca-iilag sa ugaling ito; tayong mag iina ay mag pulos nang lucsá nang sang taong singcád. At cun mangyayari disi,i, pagca tapos nang taon, ay sundin ang ugali nang di bulág na naciones sa Europa, na isang taon namang hindi sinasalitan nang pulà ang canilang man~ga damit. Ang ugaling ito dito sa Maynila,i, marami ang sumusunód sa man~ga tagalog man. Hamaquin yaong uica nang man~ga ualang pinag aralan, ang lucsa,i, mainit at naca papanglao.

Cun dumalao sa patáy ay iilagan ang tauanan at nang di uicain nang namatayán, di na sila dinaramayan ay inaaglahi pa ang canilang hapis. Ang ipapanhic ay muc hang nag papaquita nang lumbáy at ang ibabati sa may bahay ay uicang pagdamay sa sáquit. Ilagan ang main~gay na pan~gun~gusap, at nang di maan~gat sa pag damay sa hapis na canilang layon. Capootan ang pag bibiroan, at nang di uicaing ualang pinag aralang mahal na asal.

May maquiquita ca namang bahay nang namatayán, na diyan ca maca ririnig nang pag bibiroan nang babaye,t, lalaqui; diyan mo maririnig ang pag sasalita nang catatauanan na sinasabayán nang halac hacan. ¿Ano ang gagauin mo sa man~ga tauong ganito ang asal? May isang nan~gusap: cun ang pag uuriraan ang inyong sinadya sa aquing pamamahay, ay doon na ninyo gauin sa inyong sarili.

Ucol sa isang cristiano ang pa sa bahay nang isang namatayan, sapagca,t, maca pag didili dili nang caholi holihang darating sa tauo, caya ang uica ni Salomon: mabuti pa ang pa sa bahay nang namatayan, sa pa sa bahay nang piguing.118 Mabuti rin nama,t, ucol sa paquiqui pag capoua tauo ang dumamay sa man~ga cababayan at caibigan, n~guni cun ang gagauin ay ang pagn~gin~gisihan at iba pang caulolan mahan~gay houag na at nang di sumagap nang masaquit na uica.

Cun dumalao sa man~ga namatayan, ang carampata,i, tumahimic, alalahanin yaong uica nang Pantas, n~gayon ay sa aguin at bucas ay sa iyo, aco,i, namatáy n~gayon at susunod ca naman; ipagdasal ang namatay at aliuin sa hapis ang namatayan. Ang namatayan naman ay di nauucol mag taua, mag n~gisi at mag tabil at nang di uicain na iquinatotoua niya ang pagca matay na iyon.

N~guni cun di carampatan ang mag paquita nang toua, ay gayon din naman ang mag paquita nang hapis na di tinitipid. Ang manambitan nang mahihiyao, ang ipag hampasan ang catauan, ang labnutin ang buhoc at sabayán nang ulol na sabi, ay naca tataua, lalo nang masamang masdan sa lalaqui. Ang nauucol ay mag tipid, at cun di maca pag piguil ay lumigpit sa gilid, at diyan iloual nang lihim ang taglay na hapis, nang may pagca guinhauahan. Dalauin mong madalas, Feliza, at gayon din naman si Honesto ang libin~gan ni ama, alalahanin ang magulang natin, at dito sa mundo,i, papurihan mo naman ang caniyang pan~galan.

Aco, Feliza,i, ihalic mo nang camay cay ina, ipahayag mo ang boo cong cagalan~gan at pamimintuho; cayong mag asaua,i, in~gatan naua nang Dios, at gayon din naman si Honesto: Susundin co ang bilin ni ama, aco,i, lalayo na sa mundo. Adios, hangang sa isang buhay.—URBANA

98¿Sed quis est hic laudabimus eum? S. Alfons de Lig.
99Dominus est: quod bonum est oculis suis faciat. 1 Reg. 3 v 18
100Dum sumus in corpore, peregrinarum a Domino Ad Cor. 2 v 6.
101Laetatus eum in hiu que dicta sunt mihi, in domum Demini ibimus. Ps. 121 v. 1
102Momor ero vestri ante Deum.
103Sacramentum charitatis pignus. Opuse 68.
104Quid retribuan Domino pro omnimus que retribuit mihi Ps. 136 v 3.
105Ce icem salutaris accept.
106Laudans invocabo Dominum et ab inimicis meis salvus ero.
107Benedic anima mea, Domine et omnia que intra me son nomine sancto ejus It 102 v. 1
108Benedic anima mea. Domino et noli oblibisci omnes retributiones ejes Ibid.
109Qui propitiatur iniquitatíbus tuis qui sanat omnes infirmitates tuas. Ps 102 Ibid.
110Benedicite Domino omnia opera ejus in omni loco dominationis ejus, benedic, anima mea Domino Ps. 102.
111In mus tuos commendo Spiritu meum redemisti me Domine Deus varitotis Ps. 20 v. 6.
112Et miserecordia ejus a progenie in pregeniez timentibus eum. Luc. 1.
113Omnibus autem diebus vitae tuae in monte habete Daum et cave ne aliquando peccato concentias. Thob. c. 1. v. 6.
114Sidut servus desirat ad fontes aquarum, ita desiderat anima mea ad te Deus. Ps. 113 v. 1
115Certus sum quod pró nobis aures divinas tua virginales oratio. De vita S. Florent.
116Deus consolator animarum.
117Dominus dedit Dominus abstulit sit nomen Domini benedicto Job. c. 11.
118Melius est ire ad domum lucus quam ad domum convivii.
Купите 3 книги одновременно и выберите четвёртую в подарок!

Чтобы воспользоваться акцией, добавьте нужные книги в корзину. Сделать это можно на странице каждой книги, либо в общем списке:

  1. Нажмите на многоточие
    рядом с книгой
  2. Выберите пункт
    «Добавить в корзину»