Бесплатно

Pag Susulatan nang Dalauang Binibini na si Urbana at ni Feliza

Текст
0
Отзывы
iOSAndroidWindows Phone
Куда отправить ссылку на приложение?
Не закрывайте это окно, пока не введёте код в мобильном устройстве
ПовторитьСсылка отправлена
Отметить прочитанной
Шрифт:Меньше АаБольше Аа

MAN~GA BILIN O REGLANG SUSUNDIN

SA PAGCAIN

Si Urbana cay Feliza.—MANILA …

FELIZA: Ang isa pang pagcacaquilanlán sa tauo, na may pinagaralan, ay sa pagcain, caya ang tauo,i, hangang bata ay magaral, at nang houag maguipit sa capanahonan. Magmulá sa cabataan, hangang sa tumanda, ay marami ang pagdaraanan, Hindi nalalaman cun siya,i, magmamaguinoo, o cun hindi, cun sino sinong tauo ang caniyang macacasalo sa pagcain, cun saan saang bayan siya mapapatun~go; cun may pinagaralan, ay di mahihiya pagdating nang capanahonang gamitin ang caniyang carunun~gun.

Cahiman, Feliza, ay di caraniuan sa ating tagalog ang gumamit nang cubiertos5 sa pagcain; dito,i, isusulat co rin ang man~ga cahatolang dapat alinsunurin. Di mo cailan~gan ang saysayin co sa iyo, pagca,t, datihang cang gumamit; n~guni quinacailan~gan nang iba, na di nacaaalam, sapagca,t, cun maanyayahán sa isang piguing na di sumusubo nang camáy ¿ano ang masasapit cun di marunong? Capilitang mahihiya. Laqui nang nasa co, na ito,i, pagcaugalian sa catagalugan. Ang lahat nang nacion sa Europa, ang Americanos, may ganitong caugalian, sapagca,t, isang camahalan nang asal. At cahima,t, ang Inchic, ay di gumagamit nang cubiertos sa pagcain, ay may sipit na sinasancáp, sapagca,t, aayao marumihan ang camay at nang di carimariman. Ang man~ga Turcos ay may ugali sa pagcain na para nang tagalog; n~guni sa panahong ito,i, nagaaral nang magcubiertos, lalo na ang man~ga guinoó, tumutulad sa man~ga taga Europa, sapagca,t, naquiquita ang calinisan nang ganitong pagcain. Aquing mumulang isulat ang man~ga regla.

Ang lamesa,i, lalatagan nang mantel na malinis, at sa ibábao nang servillet ilalagay ang sopera6 cun mayroon. Ang soperang ito, ay ilalagay sa harap nang magbabahagui nang sopas, na ang caraniuang mamahagui ay ang pinaca puno sa lamesa. Cun ilan ang uupó sa dulang, ay gáyon din namán ang bilang nang plato sopera;7 sa caliua ilalagáy ang tenedor, sa canan ang cuchillo,t, cuchara na cung mangyayari maguing tatlong paris na pauang malilinis. Pagcatapos nang sopas, ay casunod ang puchero ó laoya na babahaguinin nang may catungculan. Cailan~gan, na ang magpipiguing ay humanap nang sirvienteng datihan sa ganitong pagcain, sapagca,t, cun di matuto ang naglilincód sa dulang, ay mahihiya ang may piguing. Ang iba,i, may ugali, na pagcatapos cumain nang isang potage, ay naghahalili nang pingan at cubiertos, magmasid ang pinipiguing at maquiugali sa caniyang casalo. Quilanlin naman nang may piguing cun sino ang caniyang pinipiguing at carampatang bagayan. Tingnan cun may ganitong ugali, at paquibagayan. Nang di magcagulo-gulo ang pámamahala sa mesa ay nauucol maghandá nang maraming pingang malinis sa isang bucód na mesa, at magca hali halili. Pagcatapos nang puchero, may ugali ang iba na isinusunód ang man~ga guisado at saca ang prito, asado ó inihao. Ang salsa, ay ilalagáy sa salsero8 na carániuang gamitin sa man~ga asado. Ang salsero ay houag saosauán, sapagca,t, isang casalanlaan.

Cun cailan~gang magsangcap nang salsa, ay magbuhos nang caunti sa caniyang pingan, at cun ang salsero,i tasa lamang ay caoquin nang cucharang malinis. Ang cuchara ó cuchillong marumi, ay di dapat gamitin sa ulam na nasa mesa, at nang di pangdirihan nang iba. May isa namang ugali, na ang namamahala sa mesa, at namamahagui nang ulam, ay ang man~ga casambahay ó caibigan caya nang may piguing. Ang isdá cun malaqui, ay dapat namang ilagay sa isang platong mahaba, at cun babahaguinin sa lamesa, ay hahatiin nang cuchillo sa taguiliran, magmulá sa ulo hangang buntot, cun maubos ang isang taguiliran ay isusunod ang cabilâ. Cun ito,i, maubos naman, ay itaas ang tinic, at saca isunód na ipamahagui ang bandang tiyan. Cun ang isda,i maliliit, ay ipamahaguing boó. Cun may calac han ay pagputlin-putlin. Ang pugo ay boong ipamahagui, cun malalaqui ang ibon ay pag-puputlin-putlin sa isang pingang bucód, huhulihin ang casucasuaan nang pacpác, hita at nang huag paghirapan, ang pichó ó dibdib, ay cucunin nang paayón sa estauan, boó-boong piraso at di duduroguin. Ang jamon naman, ay lalapain muna ang tabá, na di ihihiualay sa casama, bábaligtarin ang balát na linapláp saca cucunin nang pasalapsáp sa loob, paayon sa quilabot, ninipisán nang pacuha cun ilang lapang, ang cailan~gan, ay siyang ipamahagui, at saca itataquip ang linapnáp na tabá. Ang iba,i, may ugali, na hinihiuang manipis nang paputól ang jamón. Sa pabo nama,i, ang unang quinucuha,i, ang buchi, isinusunód ang hita, at saca ang dibdib, na hinihiua nang pahabá. Di ang caraniuang gamit ay ang trinchante.9

Ang pastel at relleno, ay inaalisán muna náng pinacataquip, quinucuha ang lamán, at ang pastel ó masang nacabalot sa lamán ay hihiuain nang pahabá. Cun ang laman ay ibon, ay ibubucod. Cun ang pastel ay manipis, mumulan ang hiua sa bandang guitna. Ang inihao na baca, ay hihiuain nang pahalang sa lamán, ang tupa ay paayón.

Ang man~ga biling ito, ay siya ring susunód sa man~ga guisado. Ang man~ga bun~ga nang cahoy cun i aabót sa iba at uala sa pingan, ay duroin nang tenedor, at houag hahauacan nang camáy. Ang man~ga binatang nagiibig matuto, ay mag-aral sa sarili nang houag mahiya pagdating nang capanahonan.

Houag ihahahauac ang daliri nang ano man sa mesa cun di ang gagamitin ang cochillo,t, tenedor.

Sa pingan ó sa vasong ini inomán ó quinacanan, cailan man ay magtitirá nang coanti. Banlauan ang ano mang quinacanan at saca inomin ay isang catacauan.

Ang paggamit nang cubiertos ay marahan, houag n~gan~galotin nang n~gipin at houag namang n~gabn~gabin nang labi.

Ang magauit sumutsót at dumhán ang iba nang sabao, ay nacarurumí, para rin naman nang sumigao, mamintás nang ulam, mamulá sa iba, magmadirihin sa quinacain, sapagca,t, nacahihiyá sa may piguing, at nacagagalít sa iba. Cun magsasalitá ay sayahan, n~guni lalangcapán nang cahinhinan; houag maglalasing, sapagca,t, cun mapagdimlan na ang isip, ay di na maalaman ang guinagaua ó sinasabi.

Houag magpaquita nang quilos masamá, na para baga nang mamualan, dumampót nang lapang lapang na ulam, ó tinapay, uminóm nang maraming alac, nang di mauicaang matacao ó lasing.

Cun tumama nang pingan ó ulam na marumi, ay houag ipahálata sa may piguing na pinangdidirihan, ibigay sá sirviente at nang halinhan nang ibá.

Cun may capintasan ang handa, ay ualing bahala; ang ipaquiquita,i, saya, at pasalamatan ang nagpiguing sa anyayang bigay puri sa piniguing.

Ugali nang taga Europa, na sa pagcain ay nagsasalit nang tagay na sinasamahan nang pan~gun~gusap na tulá, at cun minsan ay di tulá, na ang cahulogán, pagnanasá nang cagalin~gan sa hari ó reina, ó ibang pinuno, ó sa may piguing caya. Cun minsan, ay unang nan~gun~gusap nang patindig, ang pinaca puno sa mesa, pagtindig niya,i, susunod ang lahat; at sa paginom naman nang alac ay ganoon din. N~guni,t, ang baua,t isa, ay may sariling copa ó vaso.

Máy bucod namang brindis ó tagayan na isang tatlo apat lamang sa mesa ang nagtatan~goan nang ulo, na ang cahulugán, ay pa papáhayag nang cani canilang pagiibigan at pagmamahalan.

Ang camahalan nang asal sa pagcain, sucat pagaralan hangang bata, nang pagca bihasahan, at nang di n~gan~gapa-n~gapa pagdating nang capanahonan.

Si Honesto, Feliza, pagpilitan mong matuto, sapagca,t, capurihan mo,t, caran~galan naman niya. Cun nagtatacá ca,t, aco animo,i, isang dalaga, ay hindi bagay ang gumauá nang madlang bagay na dito,i, sinasabi, ang sagot co sa iyo,i, di co guinagaua,t, di co nacacayanan, palibhasa,i, di ucol sa babaye. Isinulat co sa iyo,t, nang may pagcaaninauan si Honesto. Adios, Feliza, in~gatan ca nauá nang Dios.—URBANA.

SA PAGPAPACIAL

Si Urbana cay Feliza.—MANILA....

FELIZA: Cun si Honesto,i, isasama mong magpacial, ay papamihasahin sa paglacad na mahinhin, ang biling cong ito,i, sa iyo,t, sa caniya,i, ná-uucol naman. Cun nagpapacial ay houag tutulinan ang lacad, lalo,t, cun may ibang casama. Houag magpapaquita nang cayaban~gan, na iquinacayangcang ang dalauang camáy, ang liig ay naninigás at pacailagan ang palalong äsal, na máquiquita sa ibá, na cun ilin~gon ang muc ha,i, casama pati catauan na parang naninigas.

 

Cun ang tauo,i, manlalansan~gan, ay bago manaog sa lupa, ay isaloob muna na siya,i, hamac na ood, anac sa casalanan, hilig sa camalian, caya magpacain~gat man, ay nagcacamali rin. Cahit ang cabaita,t, para nang cay David, cahit ang carunu~ga,i, para nang cay Salomon, cahit ang cayamana,i, para nang cay Asuero, ay magcacamali rin at capilitang mapipintasán din.

Cun lumalacad sa daan huag magnanasang mapuri nang lahat, sapagca,t, cun may isang pumuri ay sampuó ang pupúla. Huag isasaloob ang caniyang carunun~gan, camahalan, cagandahan at dalang cabutihan, ang alalahanin ay ang sarili niyang casiraan at dalang capintasan, at nang matutong magpacababa nang loob at asal, malayo ang capalaloan, at houag mamihasáng maghambog nang di tauaguing ulól. Sa isang dalaga naman, ay di nababagay ang paglacad na pinag-áaralan, ang magpaquin dingquinding at tumin~gin nang pasuliáp sa naquiquitang binata, sapagqa,t, icapupúla sa caniyang asal.

Cun ang isang dalaga ay mag paquita sa lacad, sa quilos, at pagtin~gin nang laban sa cabaitan, ay parang nagaanyaya sa lalaqui, na siya,i, aglahiin nang masamá.

Cun pinagcalooban nang Pan~ginoong Dios nang cagandahan, ay alagaan at paca-in~gatan na parang isang lirio, bacuran nang cabaita,t, tinic nang cahinhinan at nang di pan~gahasang pitasin nang salangapang na camáy.

Houag ipagpalalo, houag magnanasáng mabunyi,t, mabantóg, sapagca,t, di ang cagandahang tulad sa bulaclac na madaling malanta, agád cumucupas, di ang cariquitang para nang oropel, na ang buti at ningning ay pandayang mata, cun di ang cabaitan at ang tacot sa Dios ang pinacamamahal nang tauong may bait, siyang hinahanap nang haring Salomon, at ipinupuri sa isang babaye.

Houag magnanasang mabunyi sa cagayacang hiyas at cariquitan, at baca mahilo sa incienso nang puri, suyo at lamuyot, na isinusuob nang cabinataa,i, mapagdimlan ang isip at mapagdayaan.

Paca isipin nang dalaga, na ang caniyang puri, ay maipaghahalimbaua sa cayamanan, sa hiyas na iisa-isa na ini-in~gatan, sa minsang masira,i, di na maooli, sa minsang malaglág ay di na madarámpot. Tulad sa maningning at malinis na bubog na sa minsang mabasag ay di na mabubuo.

Paca iin~gatan nang isang dalaga, sapagca,t, sa minsang manacao nang tacsil na loob, ay ualang magagaua, cun di ang tuman~gis, n~guni, tan~gisan ma,i, di na macucuha ang ipinanacao na hiyas.

Cun nanglalansan~gan ang isang babaye, at napamumutihan nang mariquit na damit at mahahalagang palahiyasan, at parang naguaualang bahala, sapagca,t, masamang tingnan ang palaguin nagaayos sa daan, hindi matuloy ang lacad, at toui na,i, pinagmamasdan ang boong catauan.

Cun papasoc sa isang halaman, ay houag man~gahas muti nang man~ga bulaclac, mitas nang bun~ga nang man~ga hálaman, cun di pinaguutusan nang may ari.

Cun may papanhiquing bahay, ay houag darampot nang anomang casangcapan, ó laroan caya, sapagca,t, isang capan~gahasan.

Cun ang bata,i, may casamang matandá, ay houag tutulinan ang lacad, at alalahanin ang cahinaan nang caniyang casama.

Cun ang capacialan ay isang guinoó ó mahal, ay houag man~gun~guna, ó umagapay caya, cun di magpahuli nang munti, houag namang tumiguil cun di sila ang magpauna. Cun pipihit at babalic sa pinangalin~gan, ay houag magpapauna, at cun pipihit na,i, houag tatalicuran.

Cun nagpapaalam na, at maghihiualay na sa pagpapacialan, ay houag magdaan ang bata sa haráp nang matanda at ang sila may magcapoua bata, ay houag tatalicuran ang casama cun di ang ucol ay ang harapin.

Cun ang casama ay mataas sa caniya, ay cacananin, n~guni, cun nalacad sa tabi nang bacod sa acera caya, ó latag na bato, na nasa tabi nang bahay na para rito sa Maynila, ay doon ilalagay ang mataas, ó mahal, cahima,t, mapa sa caliua.

Cun tatlo ang nagpapacial, at magbabalic at pipihit na lahat, ang paguiguitna ay ang quinacanan nang nangaling sa guitna: cun nagcaca-apat, ang paguiguitna,i, ang dalauang na sa tabi; n~guni, magin~gat sa pagpihit, at houag talicoran ang capacialan.

Ang reglang itó, ay susundin maguing sa bahay at sa lansan~gan man nagpapacial.

Cun ang nagcacasama ay tatlong di magcaisang uri, capala pa,i, di ang mahal sa lahat ang iguiguitna, at cun baga sa lansan~gan nagpapacial at pipihit na lahat, ang mataas ay ilalagay sa acera, ó sa tabi nang bacod, ang paguiguitna,i, ang pan~galaua niya sa uri.

Cun ang bata, baguntauo ó binata, ay may casamang matanda, mahal, ó guinoo at may maquitang caquilala, ay houag tumiguil na maquipagsalitaan at nang di matalicdan, na parang pinauaualang halaga, ang quinacasamang mahal, bucod dito,i, di dapat na papaghintayin.

Cun baga sacali,t, magsisitiguil at tatayó, ay masamang tingnan ang pagsaclitin, ó papagpatun~gin ang paá, ó pacaang-caan~gin caya, na parang naghahambog.

Ang magpalin~gos lin~gos sa raan, magtacá, mamaang sa ano man, na parang noon lamang naquita, ó maquipagsalita caya sa matanda na para nang sa bata, ó magsaysay caya nang ano man na parang siya lamang ang naca-aalám, ay isang casalanang nacalulupit. Cun masalubong ang bata nang sacerdote, maestro ó mahal na tauo, ay pagpugayan, at cun sacali,t, siya,i, titiguilan at sasalitain, ay houag ilalagay ang sombrero sa ulo, hangang di pagutusan, at pagutusan ma,i, houag ilalagay na madali, cun di uliting macalaua, ó macaitlo.

Cun ang na sa ulo,i, panyó ay carampatang alisin, cun maquiquipagusap, maguing sa lansan~gan man, at maguing sa bahay, lalo,t, cun nagsisilbi sa dulang.

Masama rin namang caasalan sa lansan~gan ang tingnang palagui ang chapin, ó chinelas, pagpaguin cun di cailan~gan, bunutin sa paa,t, bitbitin sa camay ó quipquipin caya sa quiliquili, ang lahat nang ito,i, nacatatauang tingnan, maguing sa lalaqui; gayon din naman sa lumalacad na lumalagapác ang paá, sasaga-sagadsad, sapagca,t, naquiquilala na hindi datihan ang paang sangcapan nang chinelas at chapin.

Ang lalaqui o babaye na cun lumalacad sa simbahan, ay di nagdarahan, ang tulin ay di hamac at cun nagchichinelas ay sumasagadsad, bucod sa masamang tingnan, nacalilibang sa nagdarasal na tauo, nacapagbibigay galit at di malayo macayurac sa nan~galuluhod, ay nagpapahayag na uala sa caniyang caloob ang pagpasoc sa bahay nang Dios.

Sa pagpapacial naman at may datnang lu~gar na paghin~galayan at ang man~ga binata,i, may casamang mahal na tauo, ó man~ga babaye, cun sacali,t, man~gagsisiloclóc, ay magparaya ang man~ga binata sa mahal na tauo, ó man~ga babaye cun sacali,t, ualang maraming bancó, ó man~ga taboreteng mauupan. Cun ang bata ó baguntauo, ay nagpapacial na casama,i, capoua binata, ay iilagan ang masamang ugali, na nagyayacapan, cun minsan nagaauitan ó naghihiyauan parang ulól, ó nagaaglahian nang mahalay, sapagca nagpapahayag na ualang pinagaralang bait.

Caiin~gatan mo, Feliza si Honesto, houag ipahintulot na maquisama at maquipagibigan sa capoua batang masama, sapagca, cun may caunting bait na inin~gat, utang sa pagcacalin~ga ni ama,t, ni ina, masisira, cahina hinayang, sapagca,t, cun ano ang maquita sa capoua bata, ay siya ang gaguin.

Cun magcagayo,i, sayang nang magandang aral na tinangáp sa magulang sayang nang canilang puyat, sayang naman nang puyat mo. Dito nauucol yaong refran nang castila: sabihin mo sa aquin cun sino ang casa-casama mo, at tuturan co naman sa iyo cun icao ay sino. Ang cahuloga,i, cun ang casamahi,i, may bait, ay bait naman ang matutuhan nang bata, at cun masamá ang casamahin, ay masamá rin naman ang matututuhan.

Cun si Honesto na sa lansan~gan, ay houag mong tulutan na maglalaong lubha, maquiquipagpacial sa batang ualang bait, at nang houag masira.

Cun may causap sa lansan~gan, na maguing mahal mang tauo, ó capoua bata, ay itutunton sa guhit ang asal, quilos at pan~gun~gusap, at houag magasal han~gal. Adios. Feliza, hangan sa isang sulat.—URBANA.

ALIUAN

Si Urbana cay Felisa.—MANILA....

FELIZA: Dito,i, ang ipahahayag co sa iyo, ay ang aasalin ni Honesto, sa paquiquipagaliuan sa capoua bata, at ang paglalaro cun siya,i, lumaqui na. Ang isip nang tauo ay para rin naman nang tauo, na nahahapo cun mapinsalaan sa paggaua. Ang malabis na pagaaral, ang magisip na palagui, ang magpuyat sa pananalan~gin, na bahagya na macapagpahin~ga ang catauan, sa oras na quinacailan~gan, at ano mang gauin nang tauo pag di natunton sa guhit, ay nacapagcaca-saquit, caya itinutulot ang pagaalio, nang may pagcaguinhauahan ang tauo, may pagcaliban~gan at nang houag maginit ang ulo. N~guni, at sapagca ang lahat nang gagauin nang tauo, ay i-aalinsunod sa regla, cun ang pagaalio, na isa rin namang cabanalan ay napapasinsay ó napapacalabis, ay naguiguing vicio.

Ang paglalaró nang bata sa capoua báta, ay ilalagay sa catamtaman at houag itulot sa caniyang puso ang anomang camalian na icapipintas sa caniyang asal.

Houag lilimutin ang cabaitan, cahinhinan, at sa caniyang calaro, ang ipaquiquita,i, magandang loob na lalancapan nang pagpaparaya cun cailan~gan.

Cun nananalo, ay houag magparamdam nang malabis na toua, at cun sacali ma,t, matouá ay houag magpaquita nang quilos na sucat damdamin nang caniyang tinalo, houag hahalachac na parang ipinagtatagumpay ang pananalo, sapagca,t, hindi man magalit, ay capilitang masasactan ang nagahis na calarô.

Cun natatalo naman ay houag magpahalata nang calumbayan ó cagalitan at nang di mauicaan na masaquim sa salapî.

Sa pagdampót nang salaping panalunan, ay houag limutin ang cabaitan.

Ang paninin~gil nang pautang sa oras nang paglalarô, ay houag gagahasaan.

Cun ang pananalo,i, nagcacaalan~gan, na ang magcacalarô ay may cani-caniyang matouid na inihahanay, ay ipahahayág nang banayad, at houag sisigáo-sigáo ó magpapahalatá caya na ualang inin~gat na mahinhing loob.

Ang pagcaisahang hatolan na dapat matalo sa inaacala mang siya,i, may matouid ay magparayá at ang isaloob, ay ang nagsihatol ay may bait na tauo,t, ualang quinacabig at ualang iniiring. Sa matouid ma,t, sa hindi ang caniyang pagcatalo, ay houag magpahalata nang galit, houag ipagtapunan ang baraja ó anomang pinaglalaroan, tatadyác caya,t, sisicad houag cucumpas cumpas sapagca,t, ang gayong quilos, ay laban sa mahal na asal. Paganhing saysayin, sa pagaalio, ay houag lilimotin ang tapát na paquiquipagcapoua tauo, at diyan maquiquilala cun may pinagaralan.

Caiin~gatan mo, Feliza si Honesto, na maquipaglarô sa malulupit na bata, sapagca,i, di man pagaauay ang caniyang matubo, ay pan~ganib na mahaua sa canilang casamaan. Cun may matandang maganyaya sa bata sa paglalarô ay houag cara-caraca,i, papayag, sapagca,t, cun masda,i, isang capan~gahasan.

Cun ang larô, ay baual nang Superior Gobierno, nang Santa Iglesia ó nang caharian, ay tumangui nang banayad, at mahan~gay siya,i, paghinanactan sa pahinuhod sa di matouid.

Cun sa paglalaro,i, may dumating na matandá ó guinoó, at ualang maupan, ay tumindig, at ipagcaloob ang caniyang loclocan.

Hangang naglalaro,i, houag patatalong tiquis, at nang di uicain na naglalaro,i, masamà sa loob, ó naguulol-ulolan.

Cun ang calaro,i, cagalang-galang na tauo, at nagagalit dahil sa natatalo,i, houag magtindig sa larò hangang di macabaui, ó siya caya,i, tulotang umayao; at cun matalo naman ay nauucol na tumindig at houag umutang magcabi-cabilá.

Cun aalis na sa larò, ay houag magpaquita nang galit ó calumbayan, sapagca,t, parang pinipilit ang tumalo sa caniya na maglaban uli hangang di macabaui; cun magcagayon, ay ano ang uiuicain cun di ang siya,i, hindi marunong maglihim nang inin~gat sa loob. Adios, Feliza, hangang sa isang sulat.—URBANA.

CABAGAYAN

NANG PAQUIQUIPAGCAPOUA TAUO

Si Urbana cay Feliza.—MANILA …

FELIZA: Cun icao ay maquiquipaglipon, ay pagiisipin ang sariling calagayan ang sa quinacaharap, ang caniyang asal at caugalian, at ang lugar na pinaguusapan; cun ang lahat nang ito ay hindi limutin sa paquiquipagharap ay di masisinsay ó masinsay man ay munti lamang, sa man~ga cautusang guhit nang paquiquipagcapoua tauo. Caya magmula sa pagcabata hangang sa tumanda, ay magaral maquibagay sa capoua tauo at, bagayan naman ang lugar na pinaguusapan. Ang magagaua sa sarili, ay di maaari sa harap nang iba; ang mauiuica,t, magagaua sa bahay, ay di mababagay sa lansan~gan, at ang magagaua sa lansan~gan, ay di mababagay sa Simbahan. Caya sa paquiquipagcapoua tauo, ay isasaloob cun sino ang caniyang cacausapin, ang lugar na paguusapan, at cun ano ang ipaquiquipagusap, at ang lahat ay habagayan. Ang mabibigcas na sabi sa isang maalio na salitaan, ay di mababagay, sa pagpupulong sa namatayán: sa ibang sulat, Feliza, sasaysayin co sa iyo ang masamang caasalan na dapat ilagan sa bahay nang namatayan: at ang gagauin: ang mauiuica nang lalaqui ay umaan~gat sa babaye; ang bagay sa baguntao,i, di babagay sa dalaga; ang maigagayac nang bata ay di babagay sa matanda, sapagca,t, mauiuica, na ibig manaog sa baonan na batbat nang yaman, hiyas at pamuti. Ang bumigcás nang salita na malayo sa pinaguusapan, ay nagaanyayang tauanan; caya ang tauo,i, maquiquibagay sa caniyang capoua, at ang caniyang gaua, quilos at pan~gun~gusap, ay pagbabagaybagayin at nang huag matauanan. Sa halimbaua, patutun~go sa bahay nang isang piguing, nagsasaya,t, tumangáp nang magandang capalaran, caran~galan ó catungculan, ay di nauucol magdamit nang marun~gis, magpaquita nang malumbay na muc-ha, sapagca,t, ang caniyang sadya ay ang pagbibigay nang en hora buena, ang cahuluga,i, ipahahayag ang quinacamtán niyang toua sa nabagong palad nang caniyang pinagsadya. Cun magpaquita nang calumbayan ay parang nagsasaysay na siya,i, nananaghili; caya ang quilos at pan~gun~gusap ay iisipin, na ibagay sa touang ipahahayág.

 

Ang tauong nagagalit ay houag aaglahiin, sa pagca,t, lalong magagalit. Ang bata,i, houag man~gan~garal sa matandá cun di may catungculan, at capoua man bata ay di sucat man~garal, cun inaacalang di mamatapatin. Cun man~gan~garal sa capoua tauo, ay babanayarin ang sabi, houag gagahasain, at itama sa oras na mamatamisin sa loob, at di ang sino ma,i, macapan~gan~garal sa caniyang capoua, cun di ang may carapatan, caya bagay-bagay ang man~gan~garal at inaaralan, at ibagay naman sa panaho,t, oras, sapagca,t, cun di magcabagaybagay, ay di macagagaling cun di macasasama ang bibitiuang aral. Ang sasalin nang pan~ginoon sa alila, ay iuucol sa caniyang pagcalagay; at nang siya,i, igalang; n~guni,t, di nauucol ang mahampalasan, ó magpaquita caya nang cagahasaang igalang cun di ang carapata,i, lumagay sa caniyang pagcalagay; di ang calupitan, cun di ang magandang loob ang ipaquiquita at nang pintohoi,t, mahalin. Houag lilimutin nang pan~ginoon, na ang caniyang alila,i, quinapál nang Dios, calarauan nang Dios, tinubós nang mahal na dugó nang ating Pan~ginoong Jesucristo; cun dito sa ibabao nang lupa,i, tinitin~gala siya doon sa isang buhay, sinong macaaalam cun siya naman ang titin~galá; dito,i, nacapagpaparusa cun may casalanan, doon sa arao nang paghohocom sa sangcatauohan di na naaalaman, cun ano ang masasapit; cun maguiguing isá sa magsisihatol sa caniya; alalahanin naman nang alila, na ang mababa niyang calagayan, ay tulot nang Dios, at parang isang hagdang pinaaacyatan sa caniya, sa pagpanhic sa lan~git; at ang paglilincod sa caniyang pan~ginoon, ay icararapat sa Dios, ipagcacamit nang caloualhatian cun minamatamis sa loob, nagtatapat sa pan~ginoon, at tumutupad nang catungculan. In~gatan nang pan~ginoon ang puri nang alila, at gayon din naman ang alila sa pan~ginoon, at houag iba bantóg cun may maquitang camalian, lalo,t, cun icasisira nang puri ay pacain~gatan. Capagnan~gahas manira, ay pan~gin~gilagan, mapaguiuicaan na ualang inin~gat na bait. Paganhing saysaying ang tapat na paquiquipagcapoua tauo ay isang tapat na pagibig, caya ang quinaoouian ay ang pagbibigay lugod sa capoua. N~guni,t, ang pagbibigay lugod na ito, ay may guhit na tinutunton. Cun ang hinihin~gi, sa atin nang capoua, maguing camaganac man at caibigan, ay sinsay sa matouid, ay di dapat pahinohod cahit ipagdalang poot at icasira man nang pagiibigan Sinasalitâ sa historia, na si Rotilio, ay pinaghinanactan nang isa niyang caibigan, dahil sa di napahinohod sa isang di tapat na cahin~gian caya pinan~gusapan nang caibigan at uinica: ¿ano ang capansanan nang pagibig mo sa aquin, cun di ca macapagbibigay loob sa hinin~gi co? ang gayong pan~gun~gusap na may hinanaquit ay sinagot ni Rotilio nang tapát: aanhin co ¿naman ang iyong pagibig cun maguiguing daan na ipipilit mo sa aquin sa paggauâ nang di catouiran? Gayon man ang marunong maquipagcapoua tauo, cun di man mangyaring macapahinohod sa namamanhic sa caniya, ay sinasagot nang banayad, binabagayan nang masayang muc-hâ. Ipinaquiquilala, malaqui disin ang caniyang nása na magbigay loob, ay hindi mangyari,t, di macayanang gauin, ó nasisinsay caya sa catouiran. Ano pa n~ga,t, ang caniyang sagót na ayao, ay sucat calugdán nang namamanhic na rin nang óo.

Ipinaguutos din naman, na cun magpapautan~gan nang loob, ay houag papaghintay hintayin ang namamanhic. Cun may sumasanguni,t, nunuha nang hatol, ay houag sumagót nang mataás na sabi, cun di banayad, malamig at cauili-uili, houag magpapangáp marunong, houag magaama-amahan, at sa caniyang sagót ay ipahahalalâ ang magandang nása nang loob sa capoua. Ano pa nga,t, cun icao. Feliza at ni Honesto, ay matutong maquipagcapoua tauo, ay ang inyong quilos, asal at pan~gun~gusap, ay magdaramit nang cariquitan na maca bibihag nang puso.

Ibig co disin, na ang man~ga sulat cong ito ay basahin mo, at gayon din naman si Honesto, houag ang minsan cun di ang maminsan-minsan, sapagca,t, cun minsan lamang, matalastas man ang cahulugan ay madaling malimutan; cun basahin toui-touina, may malimutan man ay maaalaala, at ang macaligtaan sa man~ga unang pagbasa ay maaaninao sa icalaua; ang di na pagaralan nang una, ay mapagaralan sa huli, caya ipinanamanhic co na basahi,t, basahin. Adios, Feliza, hangang sa tayo,i, magquita diyan sa Paombong—URBANA.

5Ang cubiertos ay ang cuchillo, tenedor at cuchara.
6Ang sopera ang linalagyan nang sopas na isáng platong may taquip.
7Ang plato sopero ay pingang malucóng na lalagyan nang sopas.
8Ang salsero ay ang lalagyan nang salsa.
9Ang trinchante ay ang malaquing tenedor at cuchillo.
Купите 3 книги одновременно и выберите четвёртую в подарок!

Чтобы воспользоваться акцией, добавьте нужные книги в корзину. Сделать это можно на странице каждой книги, либо в общем списке:

  1. Нажмите на многоточие
    рядом с книгой
  2. Выберите пункт
    «Добавить в корзину»